Buhay May Asawa

Magwa 1 year pa lang kaming kasal ng asawa ko pero nagiging madalas talaga pag aaway namin. Nung magboyfriend pa kami for 7 years mabait siya at sinusuyo ako pag galit ako. Ay samantalang ngayon, jusmiyo 🤦‍♀pag galit ako, mas galit siya. Pag di ako umimik, di rin siya iimik. Nakakapikon talaga. Ako kasi ung tipo na pag galit, di umiimik. In short madami kaming di napagkakasunduan financially at sa attitude na rin siguro. Kayo po? Kamusta buhay may asawa?

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Sabi nga nila mommy, hindi mo malalaman yung tunay na ugali ng tao hangga't di mo pa nakakasama sa iisang bubong. Si hubby ko ganyan din kaya inis na inis din ako. Kapag galit ako, mas galit sya dapat. Yung tipong hindi nagpapatalo. Buti nga si hubby mo mommy tahimik lang. Ako yung asawa ko, dinaig pa ako mas maputak pa sakin. Siguro matagal tagal na adjustments ginawa at still ginagawa pa rin namin lalo na ngayong clinically diagnosed with depression pa ako. Madami rin kaming pagkakaiba, halos salungat pa nga e. Hihi.

Magbasa pa