Mommy problems

Magshare lang ako, wala kasi akong masabihan. Ang hirap ng ganito 4x na ako nakunan siyempre nandoon na yung takot at kaba ko sa pagbubuntis lalo na at 9 weeks pregnant ako ngayon. Napakahirap lang ng buhay dito sa probinsya ng asawa ko need pa bumiyahe ng 2 oras para makapunta sa mga clinic ng OB tapos pag punta namin non may naka leave ang doktor, meron namang nasa Manila ang Doktor, wala ang doktor sa clinic, at hindi tumatanggap ng may sore eyes na doktor kasi may sore eyes ako that time nung balak namin magpacheck up at ultrasound kasi uncomfy nararamdaman ko sa balakang at puson ko tapos nag yeyellow na brown yung discharge ko. Ngayon namang magaling na sore eyes ko saka naman kami walang kapera pera, nagagalit pa asawa ko kasi namimilit akong magpacheck up at ultrasound na kasi iba na talaga nararamdaman ko, brown na discharge ko at may pain na yung balakang at puson hindi na basta mild cramps lang. Kapag nagwoworry ako nagpopost ako dito just to make sure lang kasi wala ngang OB pero kadalasan walang sumasagot or go to OB lang sinasabi kahit na sinasabi ko ngang di ako basta basta makakapunta ng OB kasi bukod sa walang doktor nayuyugyog kami ni baby sa pagbiyahe, may center nga dito samin isang buwan naman ng naka leave ang doktor kaya di kami tinatanggap, nahihirapan na kasi talaga ako sumasama ang loob ko lalo na din sa asawa ko. Oo, naiintindihan ko na wala kaming pera sa ngayon makakapag tiis ako oo pero yung nasa tiyan ko mukhang hindi, natatakot na kasi talaga ako. Tapos ngayon pa na walang wala talaga kami ni bigas wala, tapos sumabay pa na yung tiyan ko kumikirot taps kanina brown na yung discharge na meron ako. Sobrang nakakapag alala lang. Sana makayanan namin ito ni baby at sana malampasan namin ito.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I maybe not in your shoe right now mommy pro feel ko yung desperate mo to do evrything para sa baby mo ๐Ÿ˜”๐Ÿ˜”. Isa tlaga sa problema ang financial, wag kalang muna mg galaw2 mommy masilan ka kasi mg buntis 1st pregnancy ko ganyan din ako may pina take na pampakapit yung OB ko din bedrest. Pg matulog ka din po lgyan mo po nang unan ang balakang nyo para ma hang kunti.. Godbless to you and your baby mommy, praying for your health ๐Ÿ™๐Ÿ˜”.

Magbasa pa