Cesarean pregnancy
Magandang umaga mga mommies. Magtatanong lang po sana ako cesarean po ako sa previous pregnancy ko 2 years palang po ang nakakalipas. Na matay po si baby ko sa tiyan ko palang siya. Then now preggy po ako ulit nakalagay sa ultrasound ko january 7 ang date ng panganganak ko. But nung isang araw lang po napansin ko nung paghubad ko ng underware ko may mga blood spot kasama ng white blood. Then nag tuloy tuloy na siya until now pero di naman sya masyadong marami konting konti lg talaga. Then kagabi humihilab ang tiyan ko kahit nag change position na ako sa pag tulog at kagabi lang din basang basa ung underware ko di naman po ako umihi, at di naman po siya amoy ihi. May makakapag explain poba if ano ung naranasan ko? sign naba un na manganganak na ako or need kona pumunta sa hospital? Sabi kase nila once na Cs ka dimo alam or dimo mararamdaman ang signs na manganganak kana. And ask kona lang rin po, posible bang ma cesarean ulit ako? Kase 2yrs palang po ang nakakalipas nung manganak ako ng cesarean. Salamat po mga mommies!