Worries and pressure

Magandang Araw/Gabi sa lahat ng expectant mothers/mothers here sa app. Andito po sana ako para magbahagi ng nararamdaman gawa ng ako po ay buntis sa edad na 22. Normal lang po ba makaramdam ng takot dahil pakiramdam mo ay masyado kapang bata para maging magulang at natatakot na magkamali bilang magulang. Lumaki po ako sa broken family at ang nanay ko po ay grabe magdisiplina minsan din ay nasassktan kami sa maling akala at nadadamay sa away magasawa lalo na sa pagiging selosa nya na naging dahilan ng aking takot na baka maging kagaya ko sya Pag akoy maging ina. At okay lang po bang ilayo ko sakanya ang aking magiging anak Pag itoy naisilang ko na kahit may karapatan sya dahil lola daw sya.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hi po sa kapwa kong soon to be mommy😊, hindi ka po nag iisa lahat naman po ata ng magiging nanay nakakaramdam ng kaba o takot lalo na kung first time mo. kahit po ako may takot at kaba pero mas lamang po ang excitement. nandyan din po yung iniisip mo na agad ano mabibigay mong future ano magagawa mo para mabuhay mo sya. pero ang masasabi ko lang po sayo, panindigan natin ang bawat desisyon natin nandyan yung iba't ibang emotions pero tandaan hindi ka nalang nag iisa meron kanang baby soon. at kung ano po ang naranasan mo sa buhay normal po na hindi mona gugustuhin pang maranasan ng anak mo yun. higit sa lahat Your child your rules po. hopefully nakatulong po ako.

Magbasa pa