OB recommendations
Magaling ba ang OB mo? I-share ang kaniyang clinic details dito para sa mga buntis na naghahanap ng duktor.


Dra. Charlene Robelle Locaylocay- Ramos frm: E-Zarate Hospital & Perpetual help medical center dito sa Laspinas, napakabait nya and everytime na magpapacheck up ako ang dami nyang payo saakin lalo na nung nalaman nyang walang nakakaalam saamin na Juntis ako at yung nakabuntis saakin is di na nagparamdam/tinalikuran inshort tinakbuhan ako, dami nyang advice saakin. Lalo nung nalaman nyang wala akong enough money to check up always and pang anak, nirerecommend nya ako sa Hospital o Lying in na alam kong keri ko, pinapaasikaso nya na ako ng Philheath at iba pang papel na pwede gamitin para wala na akong babayaran. And last check up ko di nya na ako pinabayad basta asikasuhin ko na mga papel ko at tinuruan nya pa ako magsalita para di ako mahiya dun sa paghingi ng tulong. Napakagaan ng loob ko everytime na pupunta ako sa kanya, the best talaga bait bait nya. Ipagprapray ko sya paglumabas na baby ko ng safe (kasi di na kami magkikita nun kasi lalabas na baby ko this month) nireresetahan nya kasi ako ng gamot everytime na may nakikita sya saakin. Dra. Ramos May Godbless you and your family 💓😍
Magbasa pa