Stressful

Mag oopen lang ako sa inyo mga mamsh. Naiiyak na ako ngayon. Hindi ko na alam gagawin. Gaya ng ibang nagpost na mommies dito, kahapon lang din ako nasabihan ng OB ko na bawal na daw manganak ang panganay sa mga lying in. Palagi naman ako nagpapacheck up sknya at nakakapagchat naman kami pero di nya sinabi sakin, kahapon lang. Ngayon, nagagahol na kami kasi kabwanan ko na at ayaw na ko tanggapin ng ibang hospital dahil kailangan daw may prenatal check up ako sa kanila ng atleast 4-6 times. Eh may araw lang sila ng check up. Baka manganak ako bigla. Di naman sapat ung pera namin pang hospital kasi ang expected namin sa lying in lang talaga. At malayo kami sa mga hospitals dito. Di ko na alam ggwin stress na ako at baby ko kung san kami hahanap hays

57 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

May mga lying-ins na OB po ang nagppaanak.. Ang bawal lng nman po is kapag midwife magppaanak sa panganay at panglima.. Ang under review pa rin po yan kasi dami nagcomplain na midwives. Check mo mga articles sa DOH to know more mamsh.. Sa Lying_in din ako manganganak pero doctor mismo magppaanak sken..

Magbasa pa