Stressful

Mag oopen lang ako sa inyo mga mamsh. Naiiyak na ako ngayon. Hindi ko na alam gagawin. Gaya ng ibang nagpost na mommies dito, kahapon lang din ako nasabihan ng OB ko na bawal na daw manganak ang panganay sa mga lying in. Palagi naman ako nagpapacheck up sknya at nakakapagchat naman kami pero di nya sinabi sakin, kahapon lang. Ngayon, nagagahol na kami kasi kabwanan ko na at ayaw na ko tanggapin ng ibang hospital dahil kailangan daw may prenatal check up ako sa kanila ng atleast 4-6 times. Eh may araw lang sila ng check up. Baka manganak ako bigla. Di naman sapat ung pera namin pang hospital kasi ang expected namin sa lying in lang talaga. At malayo kami sa mga hospitals dito. Di ko na alam ggwin stress na ako at baby ko kung san kami hahanap hays

57 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Nov due date ko pero nagsabi na ako sa lying in na lilipat na ako ng check up sa hospital kasi nga nabalitaan ko na yung issue na yan. Sabi nila pwede parin naman sa kanila manggaling yung doctor kaso mas mahal. Kalimitan nasa 5k lang pag sa lying in manganganak pero pag sa hospital at sila parin ang ob, 28k na daw ang babayaran. Kaya sabi ko ob na lang ng hospital kasi mas makakatipid ako lalo kung public. May philhealth naman ako eh.

Magbasa pa