Irregular mens

Mag ask lang po ako. May pcos po ako at 3 months po lagi bago magkamens, and nito pong april niregla po ko ng 12,13,14,15,16. Expected ko po di na naman po ako rereglahin ng May at madedelay na naman ng 3 months. Pero nag karoon po ako nitong May 14,15,16,17,18. Ask lang po, magandang sign po ba to na magiging okay na mens ko? Nagdadiet din po ako pero di po ako nag memedicine.Gusto ko po kasi natural lang. Ang twing magkakamens po ako kapag delayed ako ng 3 months, sobrang sakit po ng puson ko at buo buo lumalabas sakin. Pero ngayon po, okay naman na po. Maganda po flow ng mens ko at di po masyadong nakakabothered yung sakit ng puson ko di tulad ng dati.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Magandang araw! Salamat sa pagbabahagi ng iyong karanasan. Mahalaga talaga na maging alisto tayo sa ating kalusugan, lalo na sa mga panahon ng hindi karaniwang pangyayari tulad ng pagkakaiba-iba ng regla. Ang PCOS at ang mga isyu sa regla ay karaniwang problema para sa maraming kababaihan. Ang iyong pagtatanong ay lubos na maunawaan. Ang pagkakaroon ng regla nitong Mayo ay maaaring magdulot ng pag-asa, subalit mahalaga pa rin na ipaalam ito sa iyong doktor. Napakaganda ng iyong pagiging natural sa pag-aalaga sa iyong kalusugan. Ang pagdidyeta at pag-aalaga sa sarili ay maganda para sa ating pangkalahatang kalusugan. Ngunit, sa mga kaso ng PCOS, minsan ay kailangan din ng tulong ng medikal na propesyonal. Kung ang iyong regla ay naging regular at mas kumportable na kaysa dati, maaaring ito ay isang magandang senyales na ang iyong katawan ay nag-aadjust at maaaring ito ay resulta ng iyong mga natural na hakbang sa pangangalaga sa kalusugan. Ngunit, para sa tiyak na kumpiyansa, magandang konsultahin ang iyong doktor upang masiguro na ang iyong kalusugan ay nasa tamang kalagayan. Patuloy lang sa pagiging maingat at sa pagpapahalaga sa iyong kalusugan. Kung mayroon kang iba pang mga tanong o alalahanin, huwag mag-atubiling magtanong sa iyong doktor o sa komunidad. Maraming salamat sa pagbahagi at pagtitiwala! Voucher ₱100 off 👉🏻 https://invl.io/cll7hw5

Magbasa pa

maybe nakatulong yung pagdidiet mo pero i highly suggest na magtake ka talaga ng vits and supplements na para sa pcos. ayun kasi talaga magpaparegulate ng mens mo at dun magiging ok yung ovulation mo. kung gusto mo herbal try mo paragis tea pero di sya 100% na makakaregulate ng mens mo. ang makakatulong sayo ay myo/dchiro inositol vits at synthetic hormones. nakakahelp yun magmature egg cells mo umayos yung ovulation mo at tumaas yung hormone mo na progesterone para reglahin. magiging bloated ka kasi pag di mo naiilabas yung mens mo at painful magmenstruate kapag galing delay. pwede ka magpaconsult sa OB-REI para sa proper guidance ng vits at supplements. may mild pcos ako sa left ovary. sumunod ako sa prescription ng doctor ko kaya na regulate regla ko

Magbasa pa
8mo ago

nung nagpacheck up po ako, niresetahan po ako ng dianne pills, kaso tinigil ko din po dahil iba po yung side effect sakin, hindi ko po kaya, lagi po ako nahihilo at sumasakit ang ulo tas nasusuka po ako kaya tinigil ko po. namili namn po ako ng paragis capsule kaso iba din po side effect sakin. 6 years na po akong TTC. saan po ba nakakabili ng myo/dchiro inositol? and magkano po kaya yun? thank you po🥰