KAPITBAHAY

Mag 3months palang ung tiyan ko. Pero ung mga pakealamerang tao dito samin sinasabi na bakit daw di lumalaki tiyan ko. Naiinis ako. Kaya napatanung akonsa asawa ko kung di ba tlga lumalaki?

39 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Haha sis okau lang yan hayaan mo sila sabihin mo minsan sakanila bakit pa nanganganak ng nanganganak yang bunganga niyo ng chismis. Pake niyo kamo! Ako nun sis 5months na no baby bump pagka turned ng 7months hala siya sobrang laki. Okay lang yan atleast nasusuot mopa damit mo diba? Hayaan mo naman yung mga chismosa nayun.

Magbasa pa

haha same tayu momsh.. dami nagtataka bat daw maliit tummy ko.. parang kabag lang haha.. pero dko na maxado binibigyan ng pansin.. mas mahalaga alam mo sa sarili mong buntis ka.. at may naggrow na little one sa loob mo.. wag ka po paapekto,, masstress ka lang..

normal lang yan sis....ako nun 5 months na para lang akong busog may nagsabi rin sakin na parang di naman daw ako buntis pero nung 6 months na tyan ko lumobo na talaga sya....ngayun 7 months na tyan ko at palaki na sya ng palaki..#team may here😊

VIP Member

Ok lang yang maliit sa kasi lalaki yan once tumungtong ka ng 7-9 months dyan mabilis lumaki ang baby. Basta iniinom mo vitamins nyo ni baby, naggagatas kayo at kumakain ng tama bayaan mo yang mga tsismosa na yan mamaga ungos katsitsismis

onga sis e kakainis lng. parang di din sila dumaan sa pagbubuntis. kaya gsto ko sa loob nalang ng bahay ksi pag nasa labas kht di mo sila kausapin papansinin ka magtatanung sa pgBubuntis ko e. ayoko may tanung ng ranung sa pgbubuntis ko.

5y ago

basta enjoy mu lang pagbubuntis mo......😊

VIP Member

Wag kc mag diet lalo na sa mga ganyang mga month kc pinapalki mo na sya need nya madaming food at makita mo lalaki yan pero ngiging visible tlga ang tummy pagdating ng 4 months lalo na pag ngpahilot kna promose😊✌🏻

Ganyan ako nun sis Hahaha iniiyakan ko dati , tapos pag nakikita ako ni hubby na umiiyak gustong gusto nya awayin mga kapitbahay nameng chismosa 🤣🤣🤣 pero nung nag 7mons na dun na lumaki tyan ko 😍😍

Wag ka magworry mommy hayaan mo sila. Ako ganyan din po magbuntis until now 6 months na pero para lang daw akong busog pero normal naman daw po si baby ko. Hayaan mo sila, wag mo stressin sarili mo. Goodluck po :)

5y ago

Gnyan din poh ako now 9months na parang 5months lng ang tyan ko maliit lng sya..hayaan mo yang mga pkialamira..gnyan dto samin mga kapitbhay na wlang mga work hahahaha....ngwwork cla sa iba hahaha....

VIP Member

Haha normal lang po yan ako nga po manganganak na tinanong pa ng guard sa hospital kung buntis daw ba ako 🤣 ayaw pa ko papasukin .then sa mga ingiterang pangit !na chismosa jan dedmahin mo nalang sis

Dito din samin sis, maraming chismosa/pakielamera kaya dedma lang! Hayaan mo sila. Kaya hindi ako naglalalabas ng bahay eh. Lalabas lang pag may lakad or bibilin sa tindahan. Inggit lang yang mga yan hahahaha!

5y ago

True, tapos bawat daan mo kapag lalabas ka pinagmamasdan akala mo may ginawa kang krimen eh hahahaha