did I deserve this?
Madalas kong tanungin sarili ko kung deserving ba ko sa naging buhay ko ngayon. Oo maayos yung mag ama ko pero ako sumasalo lahat ng masasakit na salita ng magulang nya isa lang naman po gusto ko yung masaya at tahimik na buhay hindi naman ako naghahangad na madaming pera sakto na ko sa nabibigay ko pangangaylangan ng anak ko. Pero bakit parang pinagkakait sakin yun. Hindi ko alam if may love pa ba sa pagitan namin mag asawa kasi simula nuon away bati na kami pero dahil nabuntis ako tinakwil ako ng pamilya ko hindi nila daw ako tatangapin hanggat hindi ako pinapakasalan ng nakabuntis sakin. Sapilitan lang yung kasal namin wala kaming choice nun kundi magpakasal kasi walang pera sila hubby nun talagang lugmok sila. Family ko lang makakatulong samin dahil sa dami ng gastusin namin sobrang selan ng pagbubuntis ko. Palagi ako nag spot at halos pabalik balik ako sa hospital sa sobrang panghihina ng katawan ko. Walang ibang pwede mag alaga sakin kundi parents ko kasi subsob sa trabaho parents ni hubby. Hindi ako makauwe kasi nagtry kami nun pero pinto palang ayaw na kami papasukin tiniis ako ng pamilya ko kaya nagdesisyon kami mag asawa na magpakasal nalang . Una pahirapan pa kasi nag aaway lang kami tuwing napag uusapan about sa kasal. After ng kasal hindi rin ako nakauwe samin dahil naglelabor na ko salamat nalang ako kasi biglang may himala na nagkapera parents ni hubby na approve na daw yung loan. Salamat din kasi cs ako nun emergency cs. Ngayon parang pinagbabayaran ko lahat sakin lahat sinisi bakit kami nagpakasal,bakit ako nabuntis,bakit hindi na sya binata,bakit hindi sya nakagraduate at sa lahat bakit ganito buhay namin kasalanan ko lahat. Konting hindi magandang mangyare sakin sinisisi ni hubby pati pamilya nya. Ngayon wala narin pamilya ko may sari sarili ng pamilya mga kapatid ko wala na kong tatay nanay ko mahina na para alagaan anak ko kaya wala akong choice kundi magtiis sa ganitong buhay kumakapit nalang ako sa salitang. Hanggat nakikita kong maayos ang buhay ng anak ko hindi ako susuko.