Nababawasan pala ang pagmamahal
Madalas akong pagsalitaan ng masama ng asawa ko. Nakakababa ng self-esteem. Nakakasama ng loob. Noong una ay di ako makapaniwala na nagagawa nyang sabihin ang lahat ng yun sa akin. Ngayon, sanay na akong marinig pero di pa din ako sanay sa sakit. May mga pagkakataon ding napagbubuhatan nya ako ng kamay. Kapag nagigising sya sa iyak ni baby ay minumura nya ang bata. Napakaigsi ng pasensya. Napakamainitin ng ulo. Nakakapagsisi. Pakiramdam ko nababawasan ang pagmamahal ko sa kanya. Di na ako ganung nag-aalala para sa kanya. Hindi ko na sya nilalambing. Ngayon ko lang nalaman na nababawasan pala ang pagmamahal. Di ko kasi naranasan lahat ng to noon sa ex ko na naging bf ko for 5yrs. Pero things didn't went the way we planned and we parted ways. Ngayon sa asawa ko, saglit palang kaming nagkakasama, yung pagmamahal ko nababawasan na. Minsan gusto ko na makipaghiwalay pero ayokong lumaking walang ama ang anak ko.
Love is not a feeling but a decision and commitment specially if you are legally married and had a vow during your wedding. Sadly, our human tendency is to love only if we are being loved in returned or to love only if we "think" our partner "deserves" our love. Love does not operate that way. FIRSTLY, we all need love. That is basic and is part of being human. Sadly, we look it in wrong places and persons like our family, our partner, friends etc. Reality is they are not perfect and they cant love us all the time. SECONDLY, God is love. Only He can give the love that is unconditional and perfect regardless of who we are.. THIRDLY, if we sèek our need of love from the Lord, allowing Him to fill us with His love, we will be overwhelmed. All our longing for love will be satisfied; our fears, worries, anxieties, depressions, feeling inferior will be wipe out FOURTHLY, as we are consumed and full of God's love, its so easy to love the unlovable including our spouse. We learn to understand why they behave that way, we learnd to be selfless, thinking of our partner's benefit more than our own. LASTLY, as we continue to love even if they are mean to us, we will see TREMENDOUS response. We see them change lityle by little..They will start to appreciate you because you are different. A happy marriage and companionship takes "three", it never takes two..God bless you. May you find comfort in reality that God is concerned in your marriage and is willing to fix it; only if you allow Him and if you allow ypurself to be a giver first, not a constant recipient.
Magbasa paPinalaki tayo sa paniniwalang dapat laging buo Ang pamilya. At Ideally naman talaga mas maganda ung ganun. Pero we can take lessons from people na hiwalay sa asawa pero masaya pa din Naman. Iniisip Kasi natin lagi kailangan nila Ng father figure, but we can be the father they need to have. Nasa pag iisip lang natin na Hindi natin kaya, na kawawa nag bata, bakit kawawa kung aalagaan mo naman ng ayos at dika magkukulang sa aruga? Mas okay ba na lumaki sya na may tatay na minumura mura sya? Baby pa lang yan mommy, kahit nga ung ibang mga tarantado lumalambot pagdating sa anak nila. Isipin mo ung kaya nyang gawin sa anak mo pag lumaki pa yan at may nagawang di maganda. Hurting us and our feelings is bad, pero pagdating sa anak natin we should stand up for them na di pa kayang magdesisyon para sa sarili nila. Ung walang muwang nagagawa nyang murahin? Ano pang kaya nyang gawin? Iintayin mo pa ba?
Magbasa paTama po kayo...
Wag po tayong mabulag sa ganung paniniwala. na dapat,intact ang family kahit na nagkakasakitan na,kahit na wala ng pagmamahalan,kahit wala ng respeto... mali po iyon mamsh. Itayo mo ang sarili mo. Mahalin mo naman ang sarili mo. Makipagsama ka sa tao,hindi dahil wala ng choice,pero dahil sa merong pagmamahalan at merong respeto sa isat isa. Wag mo palakihin ang anak mo sa ganyang klaseng set up. Na,oo nga,buo pamilya nyo. Magkakasama kayo. Pero wala ng pagmamahalan at respeto. Wag mo siya palakihin sa ganyang environment na may nagkakasakitan pa. Kung ano ang makita ng bata,siyang nagiging tama sa mata niya. Tandaan mo yan. Kung hindi pwede maging asawa sayo ang asawa mo,atleast sa anak nyo,maging tatay siya. At naniniwala ako na hindi kailangan na buo ang pamilya para maging nanay at tatay.
Magbasa paI feel you mommy. Nauubos talaga ung love lalo pag toxic partner mo. Lagi akong minumura sinisigawan. Ilang beses na kami naghiwalay dahil sa ugali nya. Etong last hiwalayan namin nagkabalikan kami, pero last chance nya na to. Too late na kung kelan nagbabago na sya. Nawala na talaga ko ng gana. Naalibadbaran na ko sa pagmumukha nya. Dati sobrang alaga ko sakanya, araw araw ko sya minamasahe. Nilalambing. Ngayon ang cold ko na sakanya, pag nagpapamassage sya sakin di ko na pinapansin. Dedma lang ako. Kahit paulit ulit pa sya. Sinasagot ko pa na bakit, ako ba kelan mo minasahe? Ulul sya. May hangganan din pasensya ko.
Magbasa paSame tayo ng case momshie. Nung 1st trimester ko lalong lumala pag aaway namin nagmumurahan kami, nagsasabihan kami ng mga masasakit na salita, sobrang sakit to the point na gusto mo nalang saksakin sarili mo para wala ka ng maramdamang sakit kase sobrang bigat sa pakiramdam na sabihan ka ng masasakit na salita habang buntis ka. Lagi ko din sinasabi sa kanya na nawawalan na ako ng pagmamahal sa kanya, iniisip ko rin na hiwalayan sya kahit buntis ako pero hindi ko pa rin matiis. Marupok pa rin. Ganun talaga kapag sobrang mahal mo yung tao kahit anong sakit dulot sayo di mo maiwan iwanan.
Magbasa pamas mahirap lumaki ang anak mo na nakikita nyang walang respeto ang tatay nya, magagaya nya lang un.. wag mo tiisin ung ganyang ugali sis, pag napagbubuhatan at napagsasalitaan kna ng masasakit . sapat na yun para iwan mo yan.. ung unang asawa ng partner ko baliktad babae ung mapanakit , sobrang bumaba ung tingin ng partner ko sa sarili nya. ayaw nya humantong na mapuno at magantihan nya to. sapat n ung nakikita nya ung mga anak nya na nadadamay at nakikitat naririnig ung pag aaway nila. kaya bumitaw naxa kahit masakit.. maiintindihan namn yan ng anak mo pag nagkaisip na..
Magbasa pabaka need nyo po ng marriage conselor mumsh kasi hindi magandang pinagbubuhatan ng kamay ng lalaki ang babae, parang wala ng respeto pag ganun. try mo pa rin sya kausapin pag mahinahon sya sabihin mong nasasaktan ka na, tas magpapakumbaba ka lang para kay baby, si baby kasi magsusuffer kung parehong magpapatigasan.. hanap ka din siguro ng modurator nya para hindi ka na masaktan ulit pag nagusap kayo..
Magbasa pamamsh, cut ties from toxic people. Nung nalaman kong nagchicheat na naman si LIP, hiniwalayan ko na. Mas maigi na yung ganun kesa nakikita ng mga anak namin na nag aaway kame dahil sa babae. 33 weeks preggy ako at may 2 girls kameng anak. Lagi nya sinasabi na ayaw nya ng broken family pero sya naman gumagawa ng reason para maghiwalay. Toxic yung ganyang asawa.
Magbasa paSis . pag gnyan asawa mu wg kana mag tiis lalo na pinag bubuhatan ka ng kamay . uk na ung masskit n slita wg lang mananakit . at baka kaya yan nagwa ng asawa mu kc my bago cya . gnyan c mr. Dati skin ng my pinag iinitan cya n bago puro masskit n slita kc mas my higit cyang nkikita . .
Lalaki kang may ama anak mo, pero very traumatic naman para sakanya kung habang lumalaki sya ganyan ang nai-experience nya at nakikita nyang ginagawa ng tatay nya. Save your child from being broken momsh. Baka pag nakalakhan nya yan ganyan din gawin nya sa magiging asawa nya. 🤦