Nababawasan pala ang pagmamahal
Madalas akong pagsalitaan ng masama ng asawa ko. Nakakababa ng self-esteem. Nakakasama ng loob. Noong una ay di ako makapaniwala na nagagawa nyang sabihin ang lahat ng yun sa akin. Ngayon, sanay na akong marinig pero di pa din ako sanay sa sakit. May mga pagkakataon ding napagbubuhatan nya ako ng kamay. Kapag nagigising sya sa iyak ni baby ay minumura nya ang bata. Napakaigsi ng pasensya. Napakamainitin ng ulo. Nakakapagsisi. Pakiramdam ko nababawasan ang pagmamahal ko sa kanya. Di na ako ganung nag-aalala para sa kanya. Hindi ko na sya nilalambing. Ngayon ko lang nalaman na nababawasan pala ang pagmamahal. Di ko kasi naranasan lahat ng to noon sa ex ko na naging bf ko for 5yrs. Pero things didn't went the way we planned and we parted ways. Ngayon sa asawa ko, saglit palang kaming nagkakasama, yung pagmamahal ko nababawasan na. Minsan gusto ko na makipaghiwalay pero ayokong lumaking walang ama ang anak ko.