Anong mararamdaman niyo?

Maaga ako naging mommy at hindi planado. Alam ko na nadismaya ang pamilya ko sa akin pero hindi naman nagtagal tinanggap nila ako at yung baby ko. Ngayon meron akong mga tita na sobrang bastos ng bunganga. Yung sige lang sa husga lahat nalang nakikita at napapansin. Sobrang taklesa talaga sila ang sasakit magsalita talaga minsan walang preno. Hindi ko nalang sila pinapatulan dahil hindi naman ako mapagpatol. Pero kahapon kasi nagshare ako ng post sa FB ng isa sa favorite food ko tapos bigla siyang nagcomment ng 'napaglihian mo na yan ha, baka may coming soon na naman' with matching tawa emoji. Ang dating sakin ng comment niya parang pinapamukha niya na balak ko pa ulit gumawa ng ikakadismaya nila eh kung tutuusin nga wala pa ulit nangyayari sa amin ng boyfriend ko kahit malapit nang mag-apat na buwan ang baby namin. Kayo ba mommies anong masasabi niyo sa comment ng tita ko sa akin? Nakakaasar lang kasi nananahimik ako rito at hindi ko naman pinapakialaman buhay nila pero kung makaano eh akala mo kung sinong malinis.

23 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Dedma mo nalang momsh. Kung papansinin mo sila, mas lalo silang magpapapansin, hayaan mo yan, sila mismo kusang titigil.

5y ago

Sana nga tumigil na nakakainsulto kasi. Akala nila hindi masakit mga sinasabi nila kahit pabiro pa yon

naku pag ganyan.. naka custom Lang kung sino makkabasa ng post. kabadtrip naman pag ganyan comment nangaasar.

Magbasa pa

Lam mo mommy di masama mag unfriendbsa fb at lumayo sa personal sa mga taong toxic kahit na kamag anak mo pa.

5y ago

Wala kang kelangan iexplain sa kanila. Facebook mo yun, wala silang pake kung ano gagawin mo kasi sayo yun. Napakatoxic kamag anak pa man din.

Ako di pwede sakin ganyan hehe. Pag may chismosa nga samin inaaway ko talaga tahimik sila eh hahahaha

VIP Member

Iblock mo πŸ˜‚πŸ˜ ako ung mga toxic sa fb ko bnblock ko tlga πŸ˜‚ e di hindi ako nasstress

Dedma nalang po. Sayang sa panahon ang pagiging negative. 😊

Ako kakabago ko lang account ngayon. Haha

Mga toxic na kamag anak wag niyo nalang pansinin better i hide mo nalang po social media accounts mo sa kanila and bawasan nalang masyado post about your personal life po para iwas sa mga walang maitulong na tao nayan 😞

pag nagpost ka ihide mo nalang sakanila

VIP Member

Kaya nakahide sa mga kamag anak at kaibigan nila mga post ko sa social media para iwas toxic sa buhay eh hahaha