Anong mararamdaman niyo?

Maaga ako naging mommy at hindi planado. Alam ko na nadismaya ang pamilya ko sa akin pero hindi naman nagtagal tinanggap nila ako at yung baby ko. Ngayon meron akong mga tita na sobrang bastos ng bunganga. Yung sige lang sa husga lahat nalang nakikita at napapansin. Sobrang taklesa talaga sila ang sasakit magsalita talaga minsan walang preno. Hindi ko nalang sila pinapatulan dahil hindi naman ako mapagpatol. Pero kahapon kasi nagshare ako ng post sa FB ng isa sa favorite food ko tapos bigla siyang nagcomment ng 'napaglihian mo na yan ha, baka may coming soon na naman' with matching tawa emoji. Ang dating sakin ng comment niya parang pinapamukha niya na balak ko pa ulit gumawa ng ikakadismaya nila eh kung tutuusin nga wala pa ulit nangyayari sa amin ng boyfriend ko kahit malapit nang mag-apat na buwan ang baby namin. Kayo ba mommies anong masasabi niyo sa comment ng tita ko sa akin? Nakakaasar lang kasi nananahimik ako rito at hindi ko naman pinapakialaman buhay nila pero kung makaano eh akala mo kung sinong malinis.

23 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Block mo sa socmed accts mo hahaha. Minsan kung sino pa kadugo un pa nagbibigay ng matinding panghuhusga imbes na suporta.

e hide mo mga post mo sa kanya mommy. may settings naman mommy na pwde mo e customize at e hide sya.

5y ago

hala grabe sya mommy noh! nakaka stress nga talaga pag may ganon kang relative na nangingi alam.

Di ka naman nila binubuhay so keber. Bwisit yang mga ganyan.

5y ago

Totoo momsh. Nakakainis lang talaga sila eh.