Anong mararamdaman niyo?

Maaga ako naging mommy at hindi planado. Alam ko na nadismaya ang pamilya ko sa akin pero hindi naman nagtagal tinanggap nila ako at yung baby ko. Ngayon meron akong mga tita na sobrang bastos ng bunganga. Yung sige lang sa husga lahat nalang nakikita at napapansin. Sobrang taklesa talaga sila ang sasakit magsalita talaga minsan walang preno. Hindi ko nalang sila pinapatulan dahil hindi naman ako mapagpatol. Pero kahapon kasi nagshare ako ng post sa FB ng isa sa favorite food ko tapos bigla siyang nagcomment ng 'napaglihian mo na yan ha, baka may coming soon na naman' with matching tawa emoji. Ang dating sakin ng comment niya parang pinapamukha niya na balak ko pa ulit gumawa ng ikakadismaya nila eh kung tutuusin nga wala pa ulit nangyayari sa amin ng boyfriend ko kahit malapit nang mag-apat na buwan ang baby namin. Kayo ba mommies anong masasabi niyo sa comment ng tita ko sa akin? Nakakaasar lang kasi nananahimik ako rito at hindi ko naman pinapakialaman buhay nila pero kung makaano eh akala mo kung sinong malinis.

23 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Unfriend mo tita mo dahil toxic siya. Kaw na mag initiate lumayo sa mga negative na tao, mamsh. :) I somehow relate to your situation. Di naman kasi kami mayaman na pamilya. Nagsikap lang talaga parents ko para makaangat sa buhay kahit papano. Madami akong kamag anak na sablay, as in literal na walang ginagawa para mapaunlad buhay nila at walang ginawa kundi manira ng iba. Sobrang dami kong narinig sa kanila nung nalaman na buntis ako kahit kasal na ako at may maayos na trabaho kami parehas ng asawa ko. Dun ko narealize na you cannot really please everybody. Instead na magdwell at isipin mga pinagsasabi at pinag iisip nila about sakin, I distanced myself from them. I blocked them on Messenger. I don't talk to them unless importante. Effective naman since natanggal nega sa buhay ko so I suggest you do the same. :)

Magbasa pa
5y ago

Di ka naman siguro susugurin dahil lang inunfriend mo. Sobrang babaw naman nun para manugod. :)

Take it positively, my exercise yan ehh, yung wla kang nkikita at naririnig, try mo yun hnd ka maiistress promise,yung wla kang kapit bhay ang dating, yung nkikita mo lng bahy nyo, ahahah, Well any way, mgpursige ka palakihin mo ng maayos ang anak mo, at pag kaya mo nang mg trabaho, gawin mong inspiration yung mga negative sa paligid mo, and lastly PRAY FOR YOUR SELF AND FOR THEM, Godbless

Magbasa pa
VIP Member

Normal lang na ma feel natin yan kasi alam natin na nagkamali tayo. Mga simpleng ganyan, masakit na yan sa part natin. Alam kasi nating may laman. Dedma na lang. Unfriend mo o kaya i-block mo. Di mo deserve ma judge lalo na ng tita mo lang. Nagkamali ka lang pero hindi ka isang pagkakamali. Cheer up, di pa katapusan ng mundo. May kaya ka pa ring patunayan.

Magbasa pa
5y ago

Salamat po mommy. ❤

VIP Member

Kaya ako hindi ako nagpopost sa fb eh. Di nga nila alam na buntis ako. Mga friends ko lang at family ko ang nakakaalam. Mahirap na baka kung anong masasakit na salita ang sabihin nila lalo na kasi lumaki kaming humihingi ng suporta sa mga tita ko. Mayaman kasi sila at walang wala kami noon.

Ganon naman talaga yung mga tita. ako din tita ko ganyan wala nang preno ang bunganga. pero ayoko din patulan kasi siya yung nagpapaaral saken at nagpapakain saken lalo na't nakikitira lang din ako sa kanila kaya may karapatan siyang magsalita ng ganon.

5y ago

Nako sis sa akin hindi eh. Hindi naman siya ang nagpapaaral at nagpapakain sa akin. Wala akong hininging tulong sa kanya kahit ano dahil alam ko na nanunumbat yon. Malakas lang talaga siya mangialam at napakataklesa.

VIP Member

20 lang ako ngayong preggy ako. Wala naman ako pakealam sa sasabihin ng mga extended family members. Wala naman sila natutulong sa pagbubuntis ko. Kaysa mastress eh wag mo nalang pansinin mamsh or iblock mo para sa peace of mind 😇

VIP Member

Hayaan mo nalang, wag mo na patulan yan. Karamihan kasi talaga sa kamag-anak natin imbes na sila ang tumulong at mag malasakit sila pa ang unang humahatak sayo pababa. Ipagpasa-diyos mo nalang yan.

Sagutin mo yung comment nya. Sabihin mo pag nagka baby ka ulit dimo sya invite sa binyag wala syang shanghai. Hahaha hayaan moyan sissy, dinaman sila makakatulong sa life mo.

Take it positively nalang, ayaw lang nila malugmok ka lalo. O kaya dedmahin mo nalang kung hindi naman sila bumubuhay sa inyo. Pagbutihin mo nalang lalo sarili mo para sa anak mo :)

Ako di na tlaga nag ffb hahaha. Dedmahin mo nalang sila, mga pakielamerang tao binibwisit ka pa. Wag kang mag pa stress sa mga yon, mga walang magawa sa buhay kundi mangeelam hehe

5y ago

Agree hindi ko naman sila pinapakialaman pero sila grabe nalang mangialam. Mga walang magawa.