Nagkaroon ka na ba ng nakakatawang LUTANG moment?
Nagkaroon ka na ba ng nakakatawang LUTANG moment?
Voice your Opinion
OO (ikuwento sa comments)
WALA

4264 responses

166 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Maraming beses nang nangyari na pagkatapos kong magbayad sa cashier sa grocery at matanggap ang sukli ko, aalis ako ng hindi dala ang pinamili ko. Tinatawag nalang ako ng cashier na naiwan ko nga ang paper bag ng groceries 😆😅

Nung nasa school ako . Hahaha kasi nag ca count non kung ilan nakakuha ng tamang sagot sa test then hanggang sa bumilang na ng ilang number .. nakataas padin kamay ko .. hahaha naka titig na pala ko sa labas ...

VIP Member

Kagabi lang to :) kakatulog lang ni baby gusto ko manood ng Tulfo, hiniram ko headset ni Hubby para hindi magising si baby... imbes na ilagay ko yun headset sa cellphone, sinubo ko 😂🤣😂🤣🤦‍♀️

Nung nasa work ako as a call center agent puyat na puyat at pagod na sa work. Pag sakay ko ng elevator imbes na pindutin ko ung button para sa lower ground, nai-tap ko ung badge ko. Tawa Ng tawa mga kawork ko.

VIP Member

Yung umalis ako tapos sanay ako na kasama anak na tinutulak yung stroller sa mall tapos parang tanga ko na naghahanap kung san ko naiwan bigla ko naalala na ako lang pala mag isa. Haha

nakalimutan mag suot ng bra pagpasok sa work. mabuti naka tube ako at nagbibihis pa ng uniform. hindi ko na lang hinubad street clothes ko, pinatong ko na lang uniform ko sa street clothes ko

VIP Member

Uu..Pupunta sana ako sa tindahan na kahilera lang ng house namin para bumili pero ang napuntahan ko kabilang kanto na. As in what bakit ako napunta dto? Natatawa nalang ako habang pabalik..

dati, gumagamit ako ng lactacyd blue for face at pink for feminine wash. naglagay ako sa kamay then dilute sa tubig. nag isip ako kung anong kulay ng lactacyd nilagay ko sa kamay ko....

VIP Member

Madaming beses ata. Heheh yung dapat mag ooder ako sa McDonald's nang foods para kay Lj ko, then suddenly nasabi ko sa cashier isang buong manok. Hahah feeling ko nasa grocery ata ako.

high school, bumili ako ng cartolina sa isa bookstore. pasakay na ako ng jeep nang maalala ko hindi pa pala bayad ang bitbit kong cartolina, at naiwan ko bag ko sa deposit counter nila