Ang sabi kasi ng matatanda (pamahiin) bawal lumabas at tumingin ang buntis sa Eclipse dahil maari daw maging abnormal ang baby or magkaroon ng balat sa katawan ng baby sa tiyan gaya ng nangyayari sa buwan..
Yun ang sabi sabi ng matatanda na lumaki sa probinsya..
Sa sitwasyon ko, hindi naman maiiwasan na hindi lumabas dahil working mom ako.. Sabi sa balita 10pm pa daw matatapos ang eclipse 😅 hindi naman pwede na hintayin ko pa matapos bago ako lumabas ng office at makauwi 😂
Mother of 3