47 Replies
OMG wag mo na tanungin dito mommy dapat yan pinapaconsult mo na! parang ganyan yung ngyayari sugat sa bedsore e.. but I Think rash yan nakukuha sa diaper Pero lumala na.. wag ka mag Self medicate wag ka magpapaniwala muna sa mga advised cream dito bukod sa baka lumala yan e mapapagastos ka lalo.. sa kakatipid kasi ng iba nag tanong muna dito bago paconsult e tapos di naman nagaling dahil maling cream ang nagagamit .. kaya idiretso mo na yan sa Pedia bago pa lumala ang infection.. infected wound na yan e hays masakit yan mommy😞
sakin po evey 2 hrs ang palit ng diaper. then 3 creams gamit ko calmoseptine - every diaper change (skin barrier sa poops) desowen cream - every 8 hrs (to heal yung rashes) apply thinly mupirocin ointment - every 8 hrs (anti bacterial mi kasi laki na ng butas ng sugat) pag i aapply mo sila mga 10-15 mins pagitan para maabsorb yung gamot try nyo rin po palitan yung diaper brand nyo -these were the advices given by my baby's pedia
sa diaper naman naka 4 na palit ako ng brand bago ko nahanap kung san sya hiyang.. makuku and rascal user na si baby ko
Baby ko every Palit ng diaper hnd namin kinakalmutan lagyan lagi ng Petroleum and bepanthen baby ointment every 3hrs(mura lng po sa mercury Yun) mag 6 months na sya and hnd na na ulit yng rashes nya ksi sensitive po mashado balat ng mga baby tpos yng sa bbay mo subrang lala na nyan ksi my butas butas na buti hnd sya nasasaktan kpag iihi ksi ma babasa mahapdi yan kawawa naman baby mo🥺
Tpos sis kapag papalitan mo na sya pat dry mo muna bago lagyan ng daiper and dahan dahan lng sa pag punas yng malambot lng dapat cotton or wipes mo unscented dpat ksi 3weeks plng baby mo tpos pa check up muna pra ma advice ka ng pedia anong gagawin
hala kuwawa naman mami si baby huhu nagka hadhad ang baby ko mami ang ginawa ko hndi kosya pinag diaper kundi lampin 3 days ko sya pinag lampin ayun naging ok ung hadhad nya ngayon nkkapag diaper na , pa check mopo mami para ma recommendan ka ng doctor ng ointment na pwedeng ipahid po jan and as much as possible wag nyopo muna idiaper si baby mami para mahanginan lng po. haysss
beh tiis muna sa lampin para mahanginan at matuyo ang sugat wawa po si baby sure iyak ng iyak yan 🥹at cotton with warm water nalang ang pangpunas mu sa pwet nya . ako dati gamit ko wipes namula at nanakit ng balat ng baby ko. kaya ayun tinry ko yung cotton then spray ng water sa cotton for hygiene at maiwasan magtae si baby ayun thanks God magaling na si baby 💖🙏
alam mo ipacheck up mo na yan hindi ung kung ano anong cream ginagamit mo na kesyo nawala ung pamumula etc. kabibili mo ng cream mas lalo kang napapamahal imbis na ipacheck up mo sa pedia, kawawa ung baby. malala na yan eh, kunh simpleng rash lang baka okay pa na mag palit diaper every 2 hrs eh hindi naman mild lang yan.
yes po ibabalik po namin sya.
mommy please 😭 HINID sa O.A po ako maskit po Yan need Yan padie kung meron man ma bibigya gamot cram baka HINID mahiyaa sa knya sayang lang po maganda po talaga I pa check po saya super skit po Yan sa baby ko nga maroon pula nag konti naeerita na po saya
pacheck-up nyo na po agad. wag po muna mag self medication. better to consult po sa dr or pedia na mas alam kung ano ang dapat gawin. wag nyo po i-compromise ang safety ni LO. delikado po yan lalo na at na-i-exposed din ung sugat everytime mag poop si baby.
Sobrang sakit nyan mi. Yung baby ko nga di mapakali sa mga butlig lang eh ganyan pa kaya. Pacheck up nyo na po kawawa po si baby. Parang kakaiba kasi may parang butas butas. Wag po muna kayo magpahid ng hindi reseta kasi mukhang irritated na yung balat
mommy kapag ganyan, ipacheck up u na po kaagad. kawawa naman si baby😔 palitan u rin po diaper nya, baka di niya hiyang. Try mo po Makuku Diaper, hndi po nakaka-rashes yun. Tska kapag nag i-change mo sya ng diaper,linisan mo lng po ng mabuti.
Anonymous