Goodbye my little angel ?

Lumabas na po siya last October 25, 2019 15 weeks old di ko na siya nasave ginawa na namin lahat. Mahal na mahal kita anak ko. Sobrang sakit sa puso first baby ko pa naman. Rest in peace anak. Gabayan mo kami ni daddy lagi. ???? CLARK GREGORY C. DUMANGCAS hindi po alam ang cause eh pero bigla na lang sumakit ung puson ko makirot tska balakang ko. tapos nung before ako maligo sa hapon nakahiga me ngpapahinga bigla na lang may lumabas na tubig sa pwerta ko pero kakaihi ko lang naman nun alam ko hindi ihi un. tapos paghugas ko may sumama na white mens may konting pinkish na blood kaya pumunta na ko ospital. pumutok na pala panubigan ko. tapos ayun sinabihan ako na anytime pwede mawalan ng heartbeat si baby kase wala ng fluid sa loob pero nung time na un inultrasound pa ko may heartbeat pa si baby. Tinry ako ihydrate naadmit ako. sabi ng ob ko himala na daw if mabalik pa ung fluid at that time sobrang iyak na ko at di na ko nakatulog kinaumagahan ngbibleed na ko at naramdaman ko na lang kusa na siya lumalabas sobrang sakit. ???

Goodbye my little angel ?
1205 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Condolence mommy. Be strong. Isipin mo na lang po na naging angel na po sya. Dadating din po yung para po talaga sa inyo. At sya na magbabantay sa mga magiging kapatid nya

Deepest codolences mommy. God knows everything maybe He has a much better plan for you and your family. Everything happens for a reason. Trust Him. God bless you always.

Condolence sis😢 pareho na tayo may angel😇 6months ago nung iniwan din kami ng first baby boy ko😢 6 months palang sya kaya di rin namen nai'survive😢

Condolence po. I feel u nung na miscarriage ako sobrang sakit dn 1 st baby pa nmn nmen. Pero now im pregnant 3 months po. God is good. God will provide. Pray lng.

stay strong po. my 2 angels na rin ako bago ako ngkaroon ng healthy baby boy last mnth. . . have faith lg po, God knows what's best for us at His right time. . .

Condolence mommy 😢 ang sakit talaga kapag nawalan ng isang anak ganyan din ako sa first baby boy ko, 22 weeks naman siya nung lumabas 💔 stay strong mommy!!

isa sa cause nang miscarriage kapag na detect nng katawan natin na meron abnormalities ang baby, kaya nirereject nang katawan natin. my deepest sympathy po 😔

ang sakit mommy. di ko maimagine ang pain mo. buo na sya. tao na talaga. 😭for sure po babalik din siya sayo. Ibibigay din ulit sya ni Lord sayo. Condolence mommy...

5y ago

sobrang sakit talaga ang dami pa namin plano sa kanya ng daddy niya excited pa naman un kase baby boy gusto niya. 😢

mga mommies salamat po sa concern. sana nga po may blessing ulit na dumating next year iingatan ko ng sobra need ko na magmove on. god bless us all. 😘❤

i feel you mommy ,hugs po sayo 🤗 been there also naipanganak ko pa si baby 9 mos ,then after 8 days kinuha na din sya agad .1st baby ng partner ko 😭