Voice your Opinion
School
Hometown
Office
Social Media/Online
Bar
Mall
Church
Through a friend
Others (share in Comments)

1549 responses

264 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Through online app. December palang magkausap na kami sa facebook. Pero di ko pa sya masyadong pinapansin noon kasi brokenhearted pa ako. Hahaha. Tapos chat chat lang hanggang usap nalang na magkikita kami pero di ko talaga sya minimeet. Hanggang sa nagpunta na ako ng US nung May. Nag offer pa sya na sya ang maghahatid sakin sa airport pero di ko na sya nireplyan noon. Hahaha. Pumunta ako airport mag isa, pumunta ng states mag isa ✈️at doon nag muni muni. Hahaha. Kausap ko pa sya habang nasa states ako. One time, nag inom kami ng ate ko na doon nakatira sa states. Paguwi ko sa bahay nila, nagdrunk call ako doon sa lalaki. Hahaha. Iyak daw ako ng iyak at lasing. Sa sobrang hiya ko, binlock ko na sya sa social media app ko after nun. Hanggang nakauwi na ulit ako ng Pilipinas noong June. Paguwi ko nung June, bigla ko lang naalala sya. Chinat ko ulit sya tapos pumayag ako makipagmeet. First time ko yun makipagmeet sa lalaking nakilala ko lang online. Nung una ko sya nameet ok talaga. Para lang kami friends tapos kwentuhan lang. Hanggang sa nasundan ng nasundan yung pagkikita namin. Nung July, pinakilala ko na sya sa parents ko. Then sinagot ko din sya agad. 27 ako. 37 sya. Ngayon, magkaka anak na kami at mag asawa na. I'm very happy sa husband ko. Sobra nya ako inaalagaan at minamahal. Talagang everything happens for a reason at ang right person minsan dumarating when you least expect it. Sobrang maalaga at understanding ng asawa ko. He is also a good provider to us. He is a doctor and I am very proud of him. We hope na maging maayos ang panganganak ko at maging healthy ang first child namin. At first apo din both sides. 😁😁😁❀️❀️❀️❀️

Magbasa pa