info for AOG BY DOC BEV FERRER

LONG POST…very basic na hindi alam ng lahat . Weeks po kami mag count ng age ng pregnancy, hindi months. 🍿Kasi ang 1 week sa amin ay mahalaga. Example: 36 weeks vs 37 weeks Iba ang management diba Kaya I- let go nyo na yang months months na yan, hello SSS baka gusto mo na din i-let go. EARLY TERM: 37 weeks to 38 6/7 weeks FULL TERM: 39 weeks to 40 6/7 weeks LATE TERM: 41 weeks to 41 6/7 weeks ❌ kaya Walang overdue ❌ TERM PREGNANCY: 37 weeks to 42 weeks. DUE DATE: 40 weeks. POSTDATED: more than 40 weeks POSTTERM: more than 42 weeks. ❌ Walang Overdue ❌ Hindi na dapat ginagamit ang word na overdue ☺️ Ginagawa lang panakot ito eh. How to compute for weeks of Pregnancy from LMP (Last Menstrual Period) 1. If hindi ka regular na nagmemens, hindi ka kasali dito, dun ka muna sa sulok. 2. Ang regular ay 21-35 days, basta pasok ka dyan, normal ang cycle mo. Ang Day 1 ng cycle is first day of mens. ( ito yung blood na talaga, hindi yung brown pa, pula na ito) 3. Ang LMP yung last na period mo na kamukha ng usual period mo, minsan kasi kapag nag-ask kami kelan last mens mo Mommy, ang sinasabi nyo yung last time na naalala nyo kahit brown lang pala and 2 days lang. Last period nyo na normal sa inyo, usual amount and usual number of days nyo. Ok gets. 4. Yung first day ang kinukuha namin. So Example: LMP : Nov 15-18, 2022 November has 30 days diba: 30-15= 15 15 + 31 ( December) + 2 ( January 2 ) = 48 divided 7 ( kasi 1 week has 7 days) = 6.85714287 😂 minus 6 ( weeks) = 0.85714287 ( Praise God for Calculator) multiply by 7 = 6 so ang AOG ni Mommy ay 6 weeks and 6/7 weeks by LMP. Gets nyo? Again if hindi naman regular ang cycle mo, hindi ka kasali dito. 🍿Bakit last mens kinukuha namin eh hindi naman nabubuntis kapag may mens? May tama ka dyan, ang tawag dito is menstrual age. Ito lang ang haba ng pregnancy nyo. Mas madali na kasi ma ESTIMATE ang true fetal age nyo if alam namin to. Ang true age ng pregnancy nyo is the CONCEPTUAL age. Usually 11-21 days ito after ng 1st day ng LMP mo 🙂 within that period pwede kayo mabuntis 🙂 on the average 14 days after ng 1st day ang conceptual age. Kaya ang conceptual age mas bata pa ito sa aging ng LMP 🙂 🍿Lahat ay estimate lang 🙂 Walang exact age. Pinakamalapit na estimate naman ang goal namin kaya Maganda yung early ultrasound, kasi pinakamalapit sya sa true age ng pregnancy nyo. ❌Kaya wag kayo magbibilang pabalik Kapag nakita nyo ang age ng baby nyo sa ultrasound na ganito: example 6 weeks daw, tapos mentally nagcompute kayo ng 6 weeks backwards. Tapos naalala nyo, hindi naman kami nag contact that day 😂 bigla nagduda na kayo kasi umandar lang pagiging ropor nyo 😂 Remember 11-21 days after the 1st day pwede mahuli ang itlog nyo 😂 BASIC #lutangAngMayAlam #mommies ##FTM ****** Basta ako sa mga patients ko, I follow the early ultrasound aging 🙂 mas comfortable ako dito, mas pinakamalapit sa true age nila. Si LMP inaalam ko lang for Philhealth Form 🙄 Hindi yata alam ng Philhealth na hindi applicable yan sa lahat ( update update din pag may time) Follow Dr BeV Ferrer on fb

 profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply