Biyenan

Long Post. Mabait at maalaga naman yung mga biyenan ko. Kaya lang dahil first apo sa side nila at side ko yung anak ko medyo parang di okay yung parents ko at in laws ko. Parang may gap. So para fair sa lahat salitan kami ng uwi sa bahay namin at ng in laws ko. Hindi ko alam kung naiinis ako sa kanila dahil nagseselos ako o talagang may problema din talaga sila na gusto nila sa kanila lang kami mag stay. Bago pako manganak nun pinag usapan na namin na samin ako mag stay pagkapanganak ko pero nung nanganak nako kinausap nila ko na sa kanila muna kami umuwi dahil busy yung parents ko. Syempre sinabi ko na kahit naman siguro gano ka busy yung magulang ko e aalagaan nila ko. After nun parang nagkaroon na ng gap or feeling ko lang. Before ako manganak okay sila sakin and mukang ganun din naman ako sa kanila. Pero may mga pinakita sila sakin na hindi naman sa hindi maganda pero hindi ko gusto kasi involve ang magulang ko. So parang simula nung may nga ganun akong nakita parang nawalan ako ng amor sa kanila. Hindi ko sinasabi sa asawa ko since hindi naman nya nakikita yung mali at magmuka pakong masama. Kapag nasa kanila kami pwede kapag yung araw na dapat uuwi na kami samin makikiusap sila na sa ibang araw nlng ilang beses na ganun nasabi ko na samin na uuwi at inaantay na kami pero laging asa sila sa wala pagdating sa side ko never akong sumira sa araw na sinabi kong uuwi kami e hindi din naman sila papayag. Parang ayaw magpalamang so ako sa isip ko nabbwisit ako. Napipilitan din akong maging madamot sa kanila. Hindi ako nakikipag usap masyado. Parang nawala talaga yung amor ko. Pero ano bang magagawa ko e magulang padin yun ng asawa ko. Iniisip ko nlng wag silang magkakamali na mangialam sa pagpapalaki ko sa anak ko. Gusto kong humingi ng advice kaya ako nagpost. Baka wala naman basehan yung nararamdaman ko at ako pa ang magmukang masama.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Nagmamagandang loob lang naman po ata ang byenan mo. Lahat naman ng tao is may ugali. May bad side and good side. Syempre. Sino bang may ayaw na mag long stay ang apo. Sabi mo nga 1st apo. Longing sila sa feeling na may aalagaan sila. Kausapin lang ng maayos. Kung NO, edi NO. Basta pag usapan ng maayos ng dalawang kampo. You are lucky, Blessed kasi ka-bati mo ang inlaws mo, Gusto nila magstay ka sa house nila. Pero magulo or kulang kasi issue, i mean ung pinaghuhugutan ng problema.

Magbasa pa

Inisip ko na yun mommy na atleast mahal nila yung apo nila. Pero ang akin lang sabi mo nga first apo so gusto nila mag long stay sana naiisip din nila na may lolo at lola din yung bata sa side ko. Kaya nga ginagawa ko nlng na salitan ang uwi namin para patas sa lahat. Kahit na kakapanganak ko plng nun at hindi pa dapat kami bumabiyahe ni lo e sige lang ako para wala silang masabi.

Magbasa pa