First Time Mom (Postpartum)

Long post. Rant and experience sharing. Wala pang two weeks si baby - kulang pa ng isang araw, pero yung emosyon ko parang isang taon na nakasakay sa rollercoaster. Induced labor dahil pumutok ang panubigan kahit wala akong nararamdamang contractions at 2cm dilated pa lang. Ilang oras nag-labor hanggang sa inatake na ng hika kaya ang ending, emergency C-section. Pinilit mag-breastfeed kahit walang lakas, dahil iyon ang pinaniniwalaan kong best para kay baby. Kahit na two days akong walang kain o inom dahil hindi pa nauutot/nadudumi, tuloy lang sa pag-breastfeed. Gabi ng Day 3 sa ospital, iyak lang ng iyak si baby kahit naka-latch oras-oras. Tapos ako, tulala na lang dahil alam ko sa sarili ko na walang nadedede si baby pero ang sabi ng lahat, tiisin ko raw kasi "mayroong nakukuha" at "maliit lang ang tiyan ni baby". Guess what? Day 4 ng tanghali, dehydrated si baby dahil walang nadedede kaya pinayuhan ng pedia na bigyan ng formula milk, pero need na lumabas ng ospital dahil exclusive breastfeeding zone ang mga ospital. Pag-uwi sa bahay, pakiramdam na walang silbi dahil ayaw na mag-latch ni baby dahil sa nipple confusion tapos wala rin ma-pump na kahit isang patak. Syempre, idagdag pa na hindi ko rin maalagaan ng full time si baby kasi hirap pa rin akong kumilos at nilalagnat paminsan-minsan. Pinanood, binasa at sinunod lahat ng makikitang tips sa internet tungkol sa breastfeeding, pati yung stop formula feeding, pero wala talaga. Pakiramdam ko, ginugutom ko ang anak ko. Puro ganun din ang sinasabi sa akin ng nanay ko, ng asawa ko, ng lola ko, ng tiyahin ko - "Bakit mo ginugutom ang anak mo? Bakit ba pinipilit mong mag-breastfeed kahit wala ngang lumalabas sa'yo?" Nagtanong-tanong sa mga forums, groups at iba pa. Kaso imbes na makaramdam ng support, mas na-depress lang ako. Mas marami ang nagsasabi na ipilit ko pa rin ang breastfeeding, na may mali akong ginagawa (like pagpapatuloy ng formula feeding) kaya wala akong gatas. Kaya one week after ko manganak, naisip ko na sana hindi na lang ako nagising after nang mga nangyari sa akin sa delivery room - tutal akala ko nun, mamamatay na ko sa tindi ng hika na naranasan ko. Pakiramdam ko kasi wala akong silbi - both sa asawa ko at sa anak namin. Pakiramdam ko pabigat lang ako dahil wala akong maitulong. Ramdam ko rin na dagdag gastos kasi kung anu-anong supplement, pagkaing masabaw, at lactation whatever ang pinapabili ko para lang magkagatas - pero wala pa rin. After nun, nagkagatas ako. Oo, nagkagatas - limang patak sa kaliwa at sampu sa kanan. Oo, bilang ko kasi pinapanood ko yung pump. Sa 30-minute pumping session ko, 15 patak lang nakuha ko. Pero masaya na ako. Kahit paano, may "best" milk akong maibibigay. Sa ngayon, 13 days after ko manganak, mapalad na akong makakuha ng 1oz sa maghapon - both sides combined na 'yan. Pero masaya na ako dyan. Bakit? Kasi naalala ko na may PCOS nga pala ako. Nag-research ako at nagtanong-tanong. Isa rin palang epekto ng PCOS ang low breastmilk supply. Kaya kung may nakukuha akong kaunti sa maghapon, dapat magsaya na ako kasi may iba na talagang walang nakukuha. Dito ko rin napag-isip-isip na ... - Hindi ako masamang nanay kung hindi ko kayang mag-exclusive breastfeeding kagaya ng ibang mga nanay. - Hindi kulang ang pagkatao ko kung hindi ko mapa-breastfeed nang tuloy-tuloy ang anak ko. - Ang mahalaga, buhay ang anak ko. Ang anak ko na muntik ko nang hindi makasama dahil sa may PCOS ako. - Ang mahalaga, malusog ang anak ko kahit na formula-fed baby siya. Kaya sana, huwag din tayong maging masyadong judgmental at masyadong demanding sa mga kapwa natin nanay na humihingi ng payo tungkol sa breastfeeding o mix feeding. Hindi natin alam ang tunay nilang pinagdadaanan. Hindi porket gustong-gusto ng isa na mag-breastfeed ay kayang-kaya ng katawan niya. Maraming factors kung bakit hindi makapag-breastfeed - at hindi lang dahil tamad sila o maarte sila. Let's be positive and support one another. #FirstTime #firsttiimemom #breasfeeding #formulafed #Mixfedbaby #postpartrumdepression #postpartum

11 Replies

magkakaiba talaga mi reactions ng katawan natin. merong nagkagatas pa rin kahit may pcos situation. meron naman na wala ngang pcos pero wala rin talagang gatas. case to case lang talaga. wag ka paapekto sa sasabihin ng iba. gawin mo ang sa palagay mo best para sayo at kay baby. wag mo rin icompromise sanity mo dahil sa present circumstance. kung nakikitaan mo ng hope na magkakagatas ka pa, ipagpatuloy mo lang mga ginagawa mo. kung sa palagay mo ay naapektuhan na ang relationship mo kay baby na nagwworry ka na rin na parang nagssuffer sya, wag mo na ipilit. of course, lahat ng ito ay due pa rin sa kung ano ang palagay mong best para sa kanya at sayo. laban lang tayo miii. things could be worse. wag ka magdwell sa problem na ganito. valid ang nararamdaman mo, may problem ka na about sa pagpapagatas, wag mo na idagdag sa problema yung iisipin ng iba. pabayaan mo lang sila. sending virtual huggss ❤️❤️❤️

Thank you so much sa pampatibay at pampalakas ng loob. 😍😍🥰🥰

ako din mommy nung pagkapanganak ko wala akong milk , naglalatch si baby pero nagtataka ako kase umiiyak padin sya , grabe din emosyon ko nun hanggang sa nakauwi kmi sa bahay pagka panganganak ko , iniisip ko Diko mabusog ung anak ko wala ako maibigay sakanya na milk , grabe ang emosyon halo halo. dimo na maintindihan ang sarili mo, kaya pasalamat nlng ako kase supportive ang asawa at byenan ko , lahat ng needs para magkagatas ako binibili nila , and until now nagsasabaw kmi at ngayon madami na akong gatas , kaya sa mga mami na walang gatas sa una wag po kayo hihinto magkakaroon at magkakaroon po kayo , stay strong sating mga breastfeeding mom Godbless po sating lahat 😇❤️

yes mami correct po ☺️❤️

same po, ako po pcos both ovaries, 12years po bago uli ako nabuntis, kakapanganak ko lang din, una hirap din ako magpadede wala talaga lumalabas. pero pinlatch ko lang kay baby, 7days di ko nakasama si baby.. di sya naRoom in sa akin tapos paglabas ko naiwan pa sya, super hirap na di ka makapagbigay ng gatas para may maiwan sa kanya habang ako nasa bahay,. yung gustong gusto mo mag iwan ng madaming gatas pero wala kang mapump,. pinapirma nila ako para sa formula, 400 per day ang charge, yung ayaw ko din sana mag formula. pero no choice ayoko magutom si baby, kaya ngayon mix feeding si baby,. kasi di parin sya nasasatisfy sa gatas ko,

Okay lang yan mii. Mas mahalaga na nakakadede si baby. 🥰🥰🥰

Di ka nag-iisa Momsh. Ako narealized ko simula nung naging Nanay ako madaming discrimination akong natatanggap esp sa in-laws ko but you know what? Bakit ako magpapaapekto, mas kilala ko nga anak ko. Kaya ngayon iniignore ko na lang and minsan sumasagot talaga ako ng pabalang kasi walang magbdedefend satin, swerte na lang natin kung idedefend tayo ng mga partners natin. Natuto ako maging mas matapang at manindigan talaga.

Kaya natin 'to mii! 🥰🥰🥰

actualy eto din ginwa ko c ng latch c bby pero feeling ko wla tlga kya iyak ng iyak nkkawa kc d nkktulog kc gutom.kya pgdschrge daan tlg ko agd pharmacy bili ng bottle at formula wla.ako pki sa ssbhin ng iba keso try mo pdede meron yan.anak ko nmn to e tska kmi ggastos ng gtas nia bkit ipplit kung tlgng wala.ang breastfeeding d tlga sya para sa lahat.and it will not make us less of a mom kung formula feed mga babies ntin😔

Sana may ganyang mentality ako para di na ako nag-iiyak nung una. 😅😅 Puro kasi negative naririnig ko sa paligid ko nun. Thumbs up sa'yo mii!!

dika nag iisa mashie ako Pag labas ko Ng hospital no choice ako nag formula na si baby then ilang araw may kunti gatas napatak sakin ginagawa ko pinapadede ko sa kanya then pag iiyak na sya kasi bitin mix na basta. healthy si baby at mahal natin sya isa parin tayo na mabuting Ina kasi kung masama tayo hindi tayo mag eefort para kay baby. Hindi man tayo pinalad na maging exclusive breastfeeding atlis we try

Tama ka dyan mii! *virtual hugs*

same here, kesyo daw pag sayo nadede si baby matalino daw alam naman natin ung pag exclusive bf natural mas ung nabibigay natin na nutrients sa baby naten kaso kulang ung nalatch kaya need support from formula. though hindi naman nila alam ung effort natin hehe who cares naman mga mii dont worry lalaki naman baby mo in your way pa din mami kaya stay positive kalang hopefully dumami gatas mo♥️

Thank you sa positive outlook. 🥰🥰

my gosh naiyak ako habang binabasa ang post mo mamsh. same tayo ng situation. pero ako pinush ko nalang na mag formula si baby dahil wala.nga nalabas.. anyways totoo ang post partum there are time na naiiyak ako kahit simpleng video lang sa tiktok. 🤣 just always inform your husband on how you feel.para ma comfort ka din nya.😊

same tayu mii ako nakapag breastfeeding ako ng 10 days after nun nawala na gatas ko di satisfied ai baby . so nag pure formula na ako mag 1 month na si baby so far ok naman saknya yung formula regular pag tae nya . madame din akong naririnig na negative from my in laws pero wala akong pakialam kase diko sakanila hinhingi pambili gatas wala din sila ambag sa buhay namin .Hehehehe

same po mamii.. naiiyak nlng dn ako minsan ksi ayaw dumede sakin ng baby ko bottle fed cia kht ang gsto ko sana is breastfeed kaso no choice.. tinitiis ko nlng dn ung sakit ng pump.. and thank god healthy dn ang baby ko.. Stay Strong po mamii need tayo ni baby 🥰🥰

*Hugs* Laban lang! ❤️❤️❤️

Mi advise sakin ng pedia first padede sa breast, pag nagkulang at naiyak pa din saka iformula. Para atleast nakakalatch p din si baby sa breast natin. Pagganun kasi madadagdagan or dadami milk pag lagi nakalatch si baby sa breast natin

Asking lang po, kasi baka may pag-asa pa ako if same tayo ng situation. 🥹

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles