BIRTHING STORY

Long post ahead. CERIE P. DIANASAS EDD:SEPT 21 DOB:SEPT 08 NORMAL 2.6 KILOS im officially a mom. ☺ Sept 7 check up ko at 1cm p daw. Sept8 1am sumasakit na yong puson ko at every 10-12 mins ang interval. Hindi na ako nakatulog sa sakit. 10AM every 5-8 mins na ang interval niya. Naiiyak at luha na ako sa sakit kaya nagpdala ako sa lying in around 1pm kaso 3cm pa daw. Uwi muna baka madaling araw pa ko manganak.Hnd ko expect na sobrang baba ng pain tolerance ko. Kaso sobrang sakit na tlga. Feeling ko hihiwalay na yong balakang ko. Sabi ni lip gabi na kami bumalik pero dko kaya. Lumuluha na ako sa sakit at nginig na buong katawan ko. 4Pm nagpdala ulit sa lying in. Diretso Dr kasi kala manganganak na pero 6cm pa lang kaso pagtayo ko tumagas andaming dugo kaya admit na. Nagsalpak ng primrose at swero na. Practice ire sa may upuan para tumaas daw agad cm ko. Kaso kapos ako sa hangin hnd ko mafeel yong matatae na ire. Tulo luha na ako pero d ako umiyak. Lupaypay na,walang lakas at gusto na pumikit ng mata ko. Pero ang tiyaga nila sakin kahit lumulubog na ako sa sahig. Tapos nagsalpak pa ulit ng primrose hanggang sa humilab ng humilab. Kaso dko mailabas labas si baby kasi kulang ako sa hangin bumabalik siya sa loob. So nagdecide na sila tulungan ako. May dumagan sa tiyan ko at may tagahawak sa hita kasi ubos na lakas ko. Sabi ni doc, dasal bago ire. Hindi ko mabilang ire ginawa ko hanggang mailabas siya. Sa isip ko kelangan na niya lumabas. And at 7:12pm baby's out. Super worth it lahat ng sakit at hirap. Nagtatawanan na kami sa loob ng dr after lumabas ni baby. Im so happy kasi ang babait nila. Cordcoil po si baby pati paa niya napulupot din pero ang strong niya kasi never siya na stress at ang lakas padin ng heartbeat kahit hirap na hirap akong ilabas siya. pero yong tahi ang sakit pala tlga. 😁 Kaya to all waiting moms, goodluck and Godbless. Kaya niyo din yan. ☺😊.

BIRTHING STORY
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

hello baby! 😊congrats momsh!

congrats m0mmy !!