"Love"

Long post ahead ** Hi. Hindi ko alam anong gagawin ko sa relasyon naming mag asawa. Masusundan na yung baby girl namin ng isa pang baby girl pero hindi pa rjn nag bago asawa ko. Recently, pinilit niya akong ibura lahat ng pictures namin sa lahat ng soc. med account namin sabi niya for privacy purposes lalo na ngayon pamilyadong tao na kame at sa serbisyo namin pareho. So pumayag ako, nag unfriend din ako from 3k naging 200 na lg friends ko sa fb. Tapos pinalitan niya rin pw nya sa fb di ko na nabubuksan account niya. 2 days na akong hndi makatulog. Simula nung na destino sya sa kabilang airbase sa (BASA//PAMPANGA) nakalimutan niyang naka log in dito sa laptop account niya. Hndi ko alam kung masasaktan ako sa mga nakita ko sa naka chat niya. Shet. Ang dami niyang "iskolar" ultimo babaeng may asawa't anak piniperahan siya kapalit ng malalaswang convo. Dami nanghihingi ng pera sa kanya, lahat tawag nya sa mga iskolar nya "love". Nasaktan ako sa part na humingi ako ng pera pandagdag sana sa oorderin ko di kasi ako makalabas ng barracks nun tapos nalaman ko na lg nauubos pera nya kaka load at tulong sa mga pokpok na yun. Hundi ko lg ma atim minsan mga babae na sobrang demanding pag nang hihingi sa kanya, hndi ko nga magawa gawa sa asawa ko yun e. Ang malala bat nagpapabastos sila ng ganun, nasaktan ako kasi sobrang pagka manyak naman ng asawa ko pala pero makasuyo sya sa mga babae makuha lg gusto nya grabe. At ito pa kagabi bigla nya akong minura, sabi ko mag send sya ng voice message para marinig ng panganay nya since ayaw nya mag vc, nagalit sya "pota isipin mo yung anak natin hndi nambabae na naman ako, wala na nga akong pera sa babae" imagine. Inoobserbahan ko lg sya, hinahayaan ko lg ginagawa nya tapos mumurahin pa ako. I admit hndi ako ganun ka sexually active, swerte na lg nabuntis ako agad. Pilitan na lg palagi pag nag ddo kme. After ko maipanganak yung pangalawa namin, siya na rin mismo nag sabi mag hiwalay na daw kame.

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nakarelate ako dun sa "pinadelete mga pics sa fb for security and privacy". kakapanganak lang nun ng baby namin kaya nconvince ako. yun na pala ang simula. Hay naalala ko na naman. Ok naman kami ngayon, pero hindi sya nasorry sa mga nagawa nya kaya gang ngayon nasa isip at dibdib ko pa rin lahat. Ipon ka lang ng ebedinsya. kung may pera lang ako nun baka ngpaprivate investigator pa ako. Huwag ka matakot mawalan ng asawa, kakayanin mo yan. Mas mahirap mawalan ng respeto sa sarili. God bless sayo, stay safe para sa baby mo!

Magbasa pa
Related Articles