"Love"

Long post ahead ** Hi. Hindi ko alam anong gagawin ko sa relasyon naming mag asawa. Masusundan na yung baby girl namin ng isa pang baby girl pero hindi pa rjn nag bago asawa ko. Recently, pinilit niya akong ibura lahat ng pictures namin sa lahat ng soc. med account namin sabi niya for privacy purposes lalo na ngayon pamilyadong tao na kame at sa serbisyo namin pareho. So pumayag ako, nag unfriend din ako from 3k naging 200 na lg friends ko sa fb. Tapos pinalitan niya rin pw nya sa fb di ko na nabubuksan account niya. 2 days na akong hndi makatulog. Simula nung na destino sya sa kabilang airbase sa (BASA//PAMPANGA) nakalimutan niyang naka log in dito sa laptop account niya. Hndi ko alam kung masasaktan ako sa mga nakita ko sa naka chat niya. Shet. Ang dami niyang "iskolar" ultimo babaeng may asawa't anak piniperahan siya kapalit ng malalaswang convo. Dami nanghihingi ng pera sa kanya, lahat tawag nya sa mga iskolar nya "love". Nasaktan ako sa part na humingi ako ng pera pandagdag sana sa oorderin ko di kasi ako makalabas ng barracks nun tapos nalaman ko na lg nauubos pera nya kaka load at tulong sa mga pokpok na yun. Hundi ko lg ma atim minsan mga babae na sobrang demanding pag nang hihingi sa kanya, hndi ko nga magawa gawa sa asawa ko yun e. Ang malala bat nagpapabastos sila ng ganun, nasaktan ako kasi sobrang pagka manyak naman ng asawa ko pala pero makasuyo sya sa mga babae makuha lg gusto nya grabe. At ito pa kagabi bigla nya akong minura, sabi ko mag send sya ng voice message para marinig ng panganay nya since ayaw nya mag vc, nagalit sya "pota isipin mo yung anak natin hndi nambabae na naman ako, wala na nga akong pera sa babae" imagine. Inoobserbahan ko lg sya, hinahayaan ko lg ginagawa nya tapos mumurahin pa ako. I admit hndi ako ganun ka sexually active, swerte na lg nabuntis ako agad. Pilitan na lg palagi pag nag ddo kme. After ko maipanganak yung pangalawa namin, siya na rin mismo nag sabi mag hiwalay na daw kame.

15 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Gago po talaga ang ganyan Lalaki! Hindi makuntento sa isang Pempem! 😫🤬 I know,it would hurt you very much. Yung alam mo nang paulit ulit kanang sinasaktan pero ends up na nananahimik ka nalang. Pero better na ibalin mo nalang yung attention mo para sa baby girls mo po ❤ I know mahirap sa umpisa pero the more na pinipilit mong magstay lalo ka pa ring masasaktan. And especially sa baby mo. I've experienced the same situation kaso hindi kami kasal. Yung pinakikilala niyang mga friends na babae yun palay Girlfriend niya or FUBU. Nung biniro ko siya na Buntis ako. Sabi niya "No! Hindi ako papayag,hindi pa ako ready for that baby!" So yun, kinabukasan may bagong babae na sya na pinakilala sa Parents niya. So better na layuan mo nalang po. Hindi lang po ikaw yung masasaktan pati din po yung anak niyo po. Advice lang po to sakin at the end ikaw lang po yung mkakadecide what to do ❤😊 Laban lang po. Hayaan mo nalang siya , kng siya decided na maghiwalay na kayo.

Magbasa pa

nakarelate ako dun sa "pinadelete mga pics sa fb for security and privacy". kakapanganak lang nun ng baby namin kaya nconvince ako. yun na pala ang simula. Hay naalala ko na naman. Ok naman kami ngayon, pero hindi sya nasorry sa mga nagawa nya kaya gang ngayon nasa isip at dibdib ko pa rin lahat. Ipon ka lang ng ebedinsya. kung may pera lang ako nun baka ngpaprivate investigator pa ako. Huwag ka matakot mawalan ng asawa, kakayanin mo yan. Mas mahirap mawalan ng respeto sa sarili. God bless sayo, stay safe para sa baby mo!

Magbasa pa

Ipagpray mo na lang po and leave everything to God. Ask for strength and quidance. Deal with it na lang after mong manganak. Sabihin mo sa kanya lahat2 ng alam mo about sa mga kachat mate nya. Dapat my proof ka. Then if iadmit nya and willing syang magbago you can try to work things out para sa mga anak yo. If hindi naman sya willing to change, kasuhan mo na or ipakulong, dapat alam nya na mali ginawa nya. Dont pity yourself. Be strong para sa mga anak nyo.

Magbasa pa

Ughh sobrang gago ng asawa mo, sorry ah? Buti na lang maghihiwalay na kayo after you give birth. Don't even try to fix your relationship na, just let him go. You wouldn't want to stay in that kind of toxicity and siyempre your children din. Mag-settle na lang kayo na kailangan bigyan ka pa rin ng pang-tustus sa mga bata.

Magbasa pa
5y ago

Hindi pwede yung ganun mommy. Dapat suportahan niya mga anak niyo. I reklamo mo sa provost kung ayaw magbigay sustento. Ang yabang din naman ng asawa mo may "iskolar" pero pagdating sa mga anak niyo walang ibibigay. Fight for your children's right and sayo na rin po bilang asawa niya.

Hindi mo sya deserve ! At mas lalong hindi deserve ng mga anak mo makamulatan syang tatay . Babae ang mga anak nya sana naisip nya yon pano pag nangyare sa anak nya yung ginagawa nya sayo 😪 Iwanan mo na yan mamsh never kayo magiging masaya pag nagtiis ka pa dyan dahil lng sya ang ama ng mga anak mo 😑

Magbasa pa

Ay gago lang talaga oh! Hindi niyo kawalan mag ina yang gago mong asawa po. Ipa provost mo nga yan. Pag di tumalab pa discharge mo na! Walang kwentang asawa at ama yan. Screenshot ko lahat ng evidence mo para may laban ka talaga pag nag harap na kayo sa provost.

hay nako iwan mo na yang walang kwentang lalaki na yan. Makakarma din yan, wag ka na makipag do pa jan baka nahawa na yan sa mga pokpok nya, kung ako sayo uwi ka muna sa family mo. Isipin mo mga anak nyo, may walang kwentang tatay.

momsh...isipin mo nlng mga babies mo lalo pa preggy ka, d kawalan mga ganyan klaseng lalake... Mas maganda mamuhay ng single at peaceful kysa married na pra ka nmang nsa hell. I think mgkalapit lng kmi ni hubs mo, same loc po.

I-report mo na sya momsh. Please bigyan mo ng justice yung sarili mo and yung mga babies nyo. Pano ka makakapagheal and makakamove on, kung walang justice

Kelan pa ba post na to? Hirap dito sa App di malaman kung kelan pinost. May nakakaalam po ba kung paano malalaman ?