Mas okey ba na mag-live-in muna bago magpakasal?
Mas okey ba na mag-live-in muna bago magpakasal?
Voice your Opinion
Oo
Hindi
Depende sa sitwasyon (Buntis, Mas convenient, Mas menos gastos)

7906 responses

48 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa pananaw ko noon hndi pero nung mag live in na kmi, dun ko naisip na mas mganda pla kc un ay para makilala ang ugali ng isat isa, ang problema lang kc, msama ang tingin ng iba sau, machichismis ka ganun kya maiilang ka sa mga tao.. May mga negative kang maririnig..

6y ago

Mga chismosang kapitbahay na akala mo sila magbabayad ng bills niyo at nagpapakain kung makapanghusga. 🙄

6 years muna kami nag live-in ng husband ko nag ipon muna kasi kami ng panggastos sa kasal namin... Mas masarap kasi sa feeling yung dimo na iaasa sa parents mo ung gastos ng kasal. And mas makikilala nyo pa isa't isa...

Depende po.. kami kasi ni hubby live in na kami bago pa ko mabuntis at di tlg namin inaasahan, balak naman tlg namin magpakasal kaso nauna mabuntis. Kaya plano namin pag malaki na c baby para saksi ndin sya

depende kung gano kayo ka-responsable. nag-live in kami ng hubby ko before kami nagpakasal. wag nyo na lang pansinin yung sasabihin ng iba na mapagmalinis. P.S. Nagka-baby kami after na ng kasal

VIP Member

Nag live in muna kami nagpakasal tapos nagka anak. Mas ok yun kilalanin muna isa't isa bago magpakasal at magka anak kasi yang 2 na yan ang mga bagay na mahirap na talikuran pag pinasok

For my situation mas goods na magsama na kami kasi may baby na kami at matutunan na nmin ang buhay may asawa at buhay may sariling pamilya.

VIP Member

Base in my experience mas maganda live in muna bago kasal para mas makilala mo talaga sya , kame almost 2years nag live in bago nagpakasal

TapFluencer

Oo para malaman nyo kung ano kakalabasan ng pagsasama nyo pag nagsama na kayo talaga. kase kapag kasal na kayo wala nang atrasan yon.

Mas okay live-in muna. Sabi nga nila makikilala mo lang tunay na ugali ng isang tao pag magkasama na kayo sa ilalim ng isang bubuong.

VIP Member

Wedding first for me, that is our stand as a couple who wants to share testimony that God's movement is not about trial and error.