Isang Liham Para Sa Aking Anak

Mahal kong Mat, tulad ng iyong pangalan, isa kang biyaya mula sa Panginoon. Napakaprecious mo dahil sa limang beses na nabuntis si mama, ikaw lang ang nabuhay. Gusto ko malaman mo na sobrang mahal ka namin, sobrang mahal ka ni God, sobrang mahal Niya tayo. Hindi Niya tayo pinabayaan lalo na nung pandemic. Sa dami ng kawalan ng katiyakan sa buhay tulad noong pinagbubuntis pa lang kita, may takot na baka mawala ka rin. Pero salamat sa peace na binigay ni God sa amin ng papa mo, sa Kanya lang kami nagtiwala. Napakabuti Niya at nakaabot tayo sa week na pwede ka na lumabas. Salamat ng dahil sa iyo nagkaroon ako ng pagkakataon na maging ina. Kaya bilang nanay mo, sisikapin ko na maibigay lahat ng mga pangangailangan mo lalong lalo na ang makumpleto ang bakuna mo para maprotektahan ka laban sa anumang nakamamatay na sakit. I love you, Mat. Tandaan mo palagi, You are loved. ❤️ ====== Bilang isa ina, naniniwala ako sa bisa ng bakuna. Nakatutulong ito na maprotektahan at mailigtas ang mga anak natin lalo na ang mga sanggol laban sa nakamamatay na mga sakit. Samahan kami sa aming adhikain. https://form.theasianparent.com/buildingabakunation?utm_source=KOL&utm_medium=socials&utm_campaign=BakuNation&utm_term=contest&utm_content=Diana+Cera theAsianparent Philippines VIParents Philippines Sanofi Aventis #BuildingABakuNation #TeamBakuNanay #theAsianparentPH #VIParentsPH

Isang Liham Para Sa Aking Anak
5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Nakakatuwang basahin nanay! Sadyang napakalaking parte ang bakuna hindi lang sa atin kundi sa ating anak ☺️

VIP Member

Ang ganda ng pinagkuhanan ng name ni baby :)

VIP Member

❤️❤️❤️❤️

Super Mum

💉💪

VIP Member

💙❤