kids saying bad words:(

Do you let your toddler play with other kids na madalas nag sasabi ng "bad words" like nagmumura na parang normal nalang sa household nila? how do you handle such? **na iinis ako sa isang 3y/o na bata sa neighborhood na kalaro ng anak ko, since sabi sya ng sabi ng bad words hinahayaan ng parents nya/ grandparents na mag sabi ng bad words. sa inis ko ayaw ko nalang na ilapit anak ko sa bata na yun, pero neighbor kasi namin yung bata. minsan gusto ko pang icorrect kasi hindi man lang pinag sasabihan ng magulang nya na parang wala syang respeto na bata. Please enlighten me mums/dads. *ayoko lumaki anak ko sa environment na puro pag mumura nalang mamaya absorb na pala nya lahat yun, di ko lang sya na ririnig na nag sasabi ng ganun.

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Hi mii .. I guess that's one of the cons. kapag you wanted your child to socialize with other kids and I believe that's anywhere, everywhere bukod sa isa yan sa mga bagay na ndi talaga natin makokontrol kasi ndi lahat ng co-parents is same satin or how we want our kids to be raised. I have encountered that sa mga play area & parks. I really can't tolerate nagpapanting ang tenga ko kapag nakakarinig ng mura sa bata or bad word so, sinisita ko talaga. Nandyan ang parent o wala. Even sa park or else iiiwas ko yung anak ko, may mga co-parent na kapag nasita mo ang anak nila galit pa sayo & ayokong nakikipag diskusyon sa mga ganyan coz, for me that's basic parenting method eh. Yung turuan mo ang anak mo ng mga mabubuting asal. If you can't then, anong klaseng magulang ka na ndi mo masaway ang anak mo na nagsasalita ng kung ano ano with other kids. And good thing kasi sa mga observations ko my daughter is somehow matured handling those stuff sya pa sumasaway & nakakatuwa that she can handle stuff like that. Nakakataba ng puso na lubos nyang naiintindihan ang mga sinasabi ko sakanya.

Magbasa pa

Yung 2yo ko, minsan may mga hindi ko gustong words or expression, or even actions din syang nakukuha mula sa mga kalaro nyang pinsan, minsan from mga adults rin. I make it a point na i-correct sya. Sinasabi ko na mali ito at huwag gayahin, at the same time pinupuri ko rin yung good acts ng mga pinsan nya and encourage him na gayahin yun. Kadalasan ayaw ko na lng sana syang makipaglaro sa iba, mas madali yung ganun. Pero iniisip ko ay kailangan nya rin matuto makipag-socialize at hindi ko rin sya mapo-protektahan from bad influence forever. Ang magagawa ko na lng is to teach him how to differentiate between good and bad, so he'll learn what to do and not to do. So far, naiintindihan naman nya, at sya na yung nagko-correct sa sarili nya...

Magbasa pa

same case ako naman sa pamangkin ko mismo bali adopted child ng ate ko. madalas nya turuan ng mga panget anak ko like pananakit at the way na sumagot hinahayaan lang din nila ate at ni mother ko. peor ako kasi ayoko ng ganon at ginagaya nga ng anak ko kaso diko maiwasan na magpigil sawayin at baka kami ninate ang magkaproblema kaya minsan dinadaan ko sa magandang salita nalang or ngayon iniwas kona yung anak ko sa knya di na kami nagpupunta kila ate ko. kasi ayoko magaya yung ugali nya sabi ni ate mag 6y old palang naman daw anak nya ksya hayaan kasi bata haha diba pag ganon nasasaway naman na pinagmamalaki nya nga na parang matanda na kausapin. dapat habanv bata palang tinuturuan na.

Magbasa pa

ipalayo niyo anak niyo mi hangga't hindi nya pa naadopt yung mga ganong words