SISTER INLAW! LONG POST A HEAD, BADLY NEED SOME ADVICE
Last yr kumuha ng car ang sister in law ko, wala pang 1 yr pinapa assume nya na kay hubby, which is tutol ako,kasi mas priority ko ang kumuha ng sariling bahay. Kahit anung tutol ko mas pinili pa din ng hubby ko na kunin ang sasakyan ng ate nya. I decided na mag hanap ng work and luckily natanggap ako at need kong pumunta ng manila,but before ang lumuwas ng manila I told to my husband na ung brother in law ng kapatid kong babae ang magsundo nalang sa airport samin.Nung nasa manila na ko, ok na ung usapan namin nakaplano na kung cnu ang magsusundo samin since hndi pa marunong mag drive that time si hubby at duty sya kaya hndi ako masusundo. Before kami pumunta ng airport ni remind ko na sya na kukunin sa kanya ung susi ng sasakyan para masundo kami, pero bigla syang tumutol kasi may magsusundo na daw samin which is friend ng ate nya at ate nya.. Kaya nagulat ako, nag explain ako ng maayos na sundin nalang ung napag usapan nmin pero ang dami nyang sinabi sakin like pinapahiya ko daw sya at walang respeto na sobrang kinasama ng loob ko. I ask him na kung a head of time sinabihan nya ko agad or hndi nabago ang plano nmin e hndi naman kami mag aaway.. Nung nasa loob na kami ng airport para maghintay ng flight namin, biglang may lumapit sakin na sinabing friend nya yung sister ng hubby ko. Dun ko napag tanto na kaya pala biglang nagbago ang usapan namin e dahil gagamitin ng ate nya ang sasakyan dahil may susunduing kaibigan,ilang months na ding si hubby ang nagbabayad ng sasakyan pero ang madalas gumamit e ang ate nya which is isa pa sa kinakasama ng loob ko dahil pag need nmin hndi namin magamit. Anu po kaya ang dapat kong gawin? Lagi kong sinasabihan si hubby na kumuha nalang ng bagong sasakyan kung gusto nya tlga para tlagang samin na, hndi ung iaassume nya ung sa ate nya, pero hndu naman namin magamit ng maayos. At anu ba ang dapat priority ang sasakyan o bahay? Thank you po