At 17 weeks of pregnancy experience (Long Post)
Last Monday, nagising ako ng alangang oras para umihi. Sinubukan kong bumangon ngunit sobrang sakit ng nararamdaman ko sa kanang parte ng balakang ko. Konting kilos, kikirot, pag susubukang tumayo, kikirot. Ngunit kinaya ko tumayo at maglakad kahit sobrang sakit. Aking itinulog ang nararamdaman at nagbakasakaling pag gising ay ok na ang lahat. Ngunit mas may lalala pa pala. Hindi ko na maihakbang pa ang kanang paa ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Binalak ako buhatin ng asawa ko ngunit ultimo sa akmang pagbuhat ay grabe ang aking paghagulgol sapagkat sa maling paghawak lang sa akin ay biglang susulpot ang sakit. Sa buong maghapon ay wala akong magawa kundi umiyak, nagpunta ako sa ibang OB at nagbakasakaling may ibang findings sa nararamdaman ko. Pinatingnan ang aking potassium at bahagya nga itong mababa sa normal level. Niresetahan ako ng tatlong pirasong pampataas ng potassium at mga pampakapit. Sinabi ko sa OB ko ang findings ng doctor at ako'y pinayuhang magpatingin sa orthopedic. Minabuti ko na ding magpatingin kahit alam kong walang maipafindings sa akin dahil bawal ang xray sa mga buntis. Pinagpahinga lang ako at niresetahan ng ointment at paracetamol. Lumipas ang ilang araw,unti unting nababawasan ang sakit. #firsttimemom #firstbaby #firsttime_mommy