Last July 23, 2020 nag leak na panubigan ko. Nag pacheck ako kinabukasan at inadmit ako for almost 6 days. 24 weeks palang baby ko. Based sa mga observation ng mga doctors at sabi ng OB ko halos pa ubos na tubig ng baby ko. Walang improvement yung paglalagay nila ng swero at bed rest ko kasi di dumadami panubigan ko. Tanong ko lang mommies, may big chance pa bang mabuhay baby ko at maging normal sya pag labas nya? Galing na kami sa pinakamalalaki at napakagaling na mga hospital here in Metro Manila pero tinanggihan nila ako 😭 Magiging okay ba sya paglabas nya kahit nagleak na amniotic fluid ko ng wala pa sa tamang oras? Thanks!