Pwede pa din ba mag laba kahit 34 weeks pregnant?

Lalabhan ko na kasi mga gamit ni baby, kaso nag woworry ako if safe bang maglaba ako since 34 weeks pregnant ako.

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

ako kahit pinag be bed rest dahil low lying ang placenta ako pa din na kilos lalo na nung nag ecq hubby ko once a month lang na uwi para ipag grocery at palengke ako tapos balik na sa work, wala kaming ibang kasama, malayo mga relatives. Basta di lang ako nag bubuhat ng mabigat at pag may naramdaman akong kakaiba like sakit ng balakang, parang may lalabas sa pwerta, pagod stop muna ko at hihiga. 34 weeks preggy now nag lalaba pa din ako pero sa lababo para di maipit c baby, luto, hugas ng plato at konting linis2 ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa

ako rin ang naglaba sa damit ng baby ko (ako ang nag insist excercise ko na rin) ang ginawa na lang ni hubby ung palanggana nilagay niya sa lamesa tapos ako naka upo sa upuan na may sandigan.. un lang nakabantay pa rin siya hahaha hindi ko rin siya masisi mag alala kasi 1st baby pa namin, simula nung buntis ako, siya na ang naglaba ng mga damit namin๐Ÿ˜Š skl lang po๐Ÿ˜‚

Magbasa pa
VIP Member

Ako po 35 weeks na, nakakapaglaba pa linis ng bahay tsaka luto at hugas. Wag nyo lang po gagawin magbuhat ng mabigat. Tapos magpahinga po kayo agad pagtapos ng ginagawa nyo. Pero depende parin po sa pakiramdam nyo. Ako po kasi di namn maselan.

yes basta wag po pwersahin katawan. ako po naglalaba ng mga damit namin kse di ako snay wlang gnagawa ๐Ÿ˜Š 35 weeks na ko pero alalay parin kpag diko kaya nagpptulong ako.

ako po nag 35 weeks ako, ako nagsabon, nagbanlaw at nagsampay damit pang baby, pero sa damit na namin ako lang taga sampay na nai dryer na at ako rin ang tagatupi,

ako po taga piga lang ng damit once natapos na umikot sa washing.โ˜บ๏ธ si hubby naman na taga banlaw saka ko naman idryer at sya naman taga sampayโ˜บ๏ธ

Super Mum

Okay lang maglaba momsh as long as wala naman complication ang pregnancy mo at di naman high risk. Take a rest in between at wag masyado magpapakapagod.

ako sis 37 weeks na ako padin nag lalaba nagluluto at naglilinis. still working padin ๐Ÿ˜Š kahit hirap na mag lakad dhil nasiksik na sya sa singit ko

ako laba parin ng laba wala kailangan eh 33 weeks na po pero lahat ng gawain bahay ginagawa ko padin gaya ng dati sa dalawa kong anak huhuhu

oknlang naman po...ako ngayon kahit 39 weeks ako parin naglalaba...basta wag lang masyadong magpagod..