OGTT
lahat po ba need mag take ng OGTT ? wala pa po nababanggit OB ko . curious lang po. Thank you ☺

ayan po ata ang pinagawa saken neto lang 1st week ng May kasi nakita sa ultrasound ko nung 25 week na marami raw po akong tubig sa tyan na prone para magkaroon ng gestational diabetes. 4 na beses ka pong kukuhaan ng dugo na may 1 hr interval each, after nung unang kuha paiinumin ka nung Orange Juice na pure sugar daw.. masuka-suka ako at di ko maexplain pakiramdam ko lalo't nag-fasting din ako ng higit 10 hrs na... pero pinipigilan ko kasi bawal daw isuka at un daw ang pang'test. Pero bago ung pangatlong kuha ng dugo, di ko na napigilan naisuka ko talaga lahat at saka guminhawa pakiramdam ko. tinuloy pa rin gang 4 na kuha ng dugo pero sa result bumaba. kaya baka uulitin ko ule ang test after mapakita sa OB ko kung okay na ba yun o need iretake. sana hindi na kasi di ko gusto ung feeling.. 🤮
Magbasa pa