Mga sumasagot
lagi po ako nagpopost dito bakit kaya kokonti lang ang sumasagot, sa mga ibang post na nababasa ko ang dami naman bat sakin swerte na pag may isang sumagot😁 haha#momcommunity #momcommunity

Ang mahalaga po may sumasagot pa rin sa inyo, momsh. Minsan kasi pag tinitingnan ko yung mga unanswered questions, tinatry ko rin talaga na sumagot para nga di mafeel ng iba na hindi sila napapansin. Pero di talaga maiwasan na hindi makasagot lalo na't hindi pa naman lahat naeexperience ko. Tapos yung iba po talaga paulit-ulit lang po yung tanong. I believe ganon din po yung ibang members dito. Kaya pag may gusto nga po kong itanong dito instead na magpost agad, chinicheck ko muna kung may similar questions na. Pag meron, binabasa ko nalang dun yung mga sagot. Hindi ko na tinutuloy yung pagpost kasi nga po magpapaulit-ulit lang. I hope you understand, momsh.
Magbasa pa