Bawal himas himasin ang tyan, totoo ba?

Lagi kong hinihimas yung tyan ko pag na fe-feel kong may masakit sa tyan ko or pag nararamdaman ko si baby, tapos sinabihan ako ng sister in law ko na wag ko daw himasin nang himasin masama daw, di ko tinanong kung bakit, pero simula nun pinapagalitan na ako ng hubby ko pag hinihimas himas ko tyan ko?

27 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Yes, totoo po yun kasi yun yung sinabi ng OB ko. Kasi kapag hinihimas daw po ang tiyan, natitrigger yung matres para mag contract. Pwedeng magcause ng pre-term labor. Nag pre mature labor po kasi ako nung 5 months pa lang at yan yung kaunahang pinagbawal sakin ng OB. 😊