Tanga
Lagi ko pong iniiyakan yung katangahan kong nabuntis ako at the young age. Sobrang nahihirapan akong aminin sa parents ko about dito. Andami namin pangarap dahil nakapag tapos ako ng kolehiyo. Lahat nag laho ng parang bula. Kawawa po yung mga taong umaasa saken lalo na lola ko. Need hug from God. Sobrang bigat po ?

Dumaan din ako jan mommy. Oo mahirap pero lilipas din yan. Ako nga pinapakuha na ko ng passport ng ate ko balak nya ko kunin sa Japan kaso ayun, nabuntis din ako at natanggal pa ko sa religion namin. Alam mo ba 5 months kong tinago sa parents ko na buntis ako. Nagrerent lang ako ng apartment non, first few months nauwi pa ko samn. Pero nung mej halata na baby bump ko hindi na ko nauwi samn. Hanggang sa lagi na kong chinachat nila mommy hindi ko nirereplyan. Ilang buwan akong umiyak, ilang buwan kong inisip kung ano gagawin ko, pero naisip ko, kahit gano katagal kong itago, malalaman at malalaman pa rin naman nila. Hanggang sa hinintay kong makapagpaultrasound ako, tsaka ko sinabi sa kanila. Sa ate ko muna ako nagsabi, dahil hindi ko pa kaya tanggapin kung ano magiging reaksyon ng mga magulang ko. Ilang araw sinabi ko rin. Natanggap naman nila at inaalagaan nila ko pag nauwi ako samn. Okay lang yan. Iready mo ang sarili mo hanggat sa kaya mo na sabihin. Pero isipin mo lang, the longer you wait, the longer the agony. Di mo man expected si baby, pero napakalaking blessing nyan. Pray ka lang mamsh. Stay strong. 😘
Magbasa pa

