Tanga

Lagi ko pong iniiyakan yung katangahan kong nabuntis ako at the young age. Sobrang nahihirapan akong aminin sa parents ko about dito. Andami namin pangarap dahil nakapag tapos ako ng kolehiyo. Lahat nag laho ng parang bula. Kawawa po yung mga taong umaasa saken lalo na lola ko. Need hug from God. Sobrang bigat po ?

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Buti nga po kayo nakapagkolehiyo. I’m 16 years old palang po and currently 8 months preggy. Nung una sobrang hirap sabihin kasi ako inaasahan ng magulang ko pati yung hubby ko but little by little natatanggap na ako kasi blessing yan and wala ka nang magagawa dahil meron na si baby. Halos lagi kong iniisip na disappointment ako sa fam and friends ko lalo na rin po sa mga kachurchmates ko dahil nagsosong lead na ako sa church. Ngayon sobrang excited na nila makita yung baby ko. It takes time naman po para matanggap nila e. Sa una lang po talaga napakahirap pero worth it naman pag meron na si baby. Ipagpapatuloy ko yung pag aaral ko after ko mangananak hihi. Trust ka lang po kay God. May purpose ang lahat kung bat nangyayari yan. 🥰

Magbasa pa