😍 WELCOME TO OUR WORLD BABY ZYRINNE 😍
Labour Time: 8hours Operation Time: 2hours EDD: JULY 05, 2020 DOB: JULY 03, 2020 / Via Cesarian. Due Time: 10:06am First Of All , Gusto Ko muna I-share Naging Experience ko bilang Cesarian Mommie , at my Age 22 Di ko talaga kinaya Yung Sakit At may Findings sakin na May sakit ako sa Puso , which is Alam ko na yun Since Elementary Nadala ako sa Ospital nun Pero Wag na Natin Balikan yun. Sinabi ko Na may History Ako ng Sakit Sa Puso Pero Di man Lang nila ako Inalalayan, Sa Ospital Po ako Dinala , Mandaluyong Hospital.. Nung Una Ayaw pa nila ako Tanggapin Dahil Wala sila Mapaglalagyan Ko raw na walang may Case ng Cobid19. Sinabi pa nila Tatanggapin nila kami Kung Papayag ako Sa May Positive Na Cobid Patients ako Ilalagay, Ayoko mapano kami ng baby ko, Ospital yun Partida Pero Ganun ang sinabi .. Kaya Pumunta kami Sa malapit na Lying In , Di kami tinanggap dahil FIRST BABY . Kaya Bumalik kami sa Ospital na yun , Sabi kasi ng NURSE sa Lying in , Tinatakot lang daw kami nun, Ayaw lang daw nung ospital tumanggap ng Pasyente, Tama naman Ang punto ng Nurse sa Lying In. Tama ba naman Ilagay kami sa Van ng mga Pasyente ng Cobid? Medyo Dismayado pa ko Dahil walang Nagpupush Sakin Umire Ng Maayos, As in Di ko na alam Nararamdaman ko, Sobra akong natatae Na Masakit. Sinabi kong Di ko na kaya, Malakas na HeartBeat ko , Saka lang Tumayo Yung Nurse Para Asikasuhin ako , Chineck niya BP ko. Sobrang Hinang-hina na ko Mga 6:30am , pero panay sigaw lang sila sakin Na Iire ko pa pero walang nagli-lead , mga Nagsisipag Cellphone lang sila at Di man lang nila Chinecheck Heartbeat ng baby ko sa Tiyan. Kaya Sumigaw na ko , ayoko na Dun sa OSPITAL ! As in sinigawan ko na sila. Wala akong Pakealam kung Nagalit man Sila sakin Nun Pero ako na nagdecide Na I-CS nalang ako Dahil Wala Na Lumalabas na Tubig Sakin , Feeling ko Ubos na Panubigan Ko sa loob. Posible Ba yun ? Pero yun ang nasa isip ko That time.. Sobrang Naiiyak ako At dasal lang ako Ng dasal habang Umiire, Di ko iniinda yung sakit sa Pag-ire Pero Yung Maisip ko lang na baka Mapano na Si baby dahil walang pakealam yung mga Nurse ?! SOBRANG NAIYAK NAKO. Saka lang Nagsipagkilos Yung mga Nurse dahil sa Sigaw ko. Saka lang nila Chineck heartbeat ni baby, Okay Naman , Saka nila tinawagan yung doktor na mag oopera sakin, nakita ko sa Labas Asawa ko At nakikipagtalo na. Hinawakan niya kamay ko At Pinalakas niya Loob ko. Pati Biyenan Ko , Andun Nakaalalay sakin Pinapalakas din ang loob ko. Finally Dinala na Ko Sa Operating room , Wala Akong Ibang Ginawa Kundi MagPray Hanggang sa Nakatulog ako. Maya-maya Narinig ko nalang "Baby is Here" kumabog puso ko. As in Naexcite ako, Pero Di ko pa Siya mahawakan dahil Tatahiin pa ko. Nakadungaw lang ako kay baby Kung pano nila Asikasuhin, Okay naman Yung mga DOCTOR. Sobrang Thankful ako sa Kanila, Nagkataon lang talaga na Sa mga Tamad Na NURSE ako napunta. Narinig ko pa silang Pinagsabihan Ng Mga Doktor. Kinatuwa ko Yun Dahil DESERVE nila yun. Talagang pagdating Sa baby ko Di ko hahayaang May mangyareng masama. At Last , Safe naman Kami ni Baby Zy Ko. Kaya GoodLuck po sa Nurse Ng MANDALUYONG HOSPITAL! Kaawaan pa rin sana kayo Ng Diyos. Magiging Magulang din kayo! di niyo Man lang naisip yung KARMA na babalik sa inyo ?! Anyways, Masyado na Mahaba Ito. Salamat sa Mga Sumuporta sakin Lalo na sa Asawa ko at kay Lord. Alam kong Di nila ako Pinabayaan, KAMI NG BABY GIRL KO 😍🤩