Kwento ko lang po. Nung kinasal po kami ni hubby, nagstay kami pansamantala sa bahay ng parents ko. After few weeks lang, lumipat na kami sa bahay ni hubby. By the way po, 3 months pregnant na po ako dito. Ang OB ko po malapit sa bahay ng parents ko.
Ok lang sakin kahit malayo po sa OB ko kasi ganun naman talaga pag buhay mag asawa na.
After 2 months, pinabalik kami sa bahay ng parents ko dahil inatake na naman si father ko, naospital sya at walang katulong sa mga gawaing bahay. Si mother ko po is naka abroad. Yung kasama lang po ni father ko is yung bunso namin na 23 years old na pero may online classes at may pagkatamad hindi po tumutulong sa trabaho sa bahay.
Simula po bumalik kami sa bahay ng parents ko, ako na po lahat gumagawa ng trabahong bahay kahit na sinabihan po ako ng OB ko na mag bed rest lang. Nakunan po kasi ako last year around September kaya ingat na ingat sa akin ang OB ko na hindi na maulit. Ako po nagluluto, naglilinis, naglalaba. Lahat po ng trabaho sa bahay. Wala naman po akong reklamo dahil ito na lang kumbaga ang pinaka ambag naming mag asawa dahil pareho po kaming no work no pay dahil na rin sa pandemic.
Lagi na lang akong sinasabihan ng masasakit na salita ng mga tao sa bahay kapag may mga araw na hindi ako nakagalaw ng maayos. Halimbawa po, hindi lang ako nakapagluto ng almusal, tatawagin agad akong tamad at walang ambag sa bahay.
Alam naman po nila na ako lahat kumikilos pero kahit kailan wala akong narinig na pasalamat o ano. Ayos lang po saakin yon dahil hindi naman ako kumikilos sa bahay dahil lang sa gusto kong puriin nila ako. Nasasaktan lang po ako kapag nagkamali ako ng isang beses, lahat ng tao sa bahay isa isa akong papagalitan o sasabihan. Kasama na po ang asawa ko doon.
Pakiramdam ko wala akong value sakanila. Lahat ng nararamdaman ko sa pagbubuntis tinitiis ko na sarilinin.
Pakiramdam ko wala akong kakampi.
Ang asawa ko po lumipat ng trabaho at sumasahod na. Ako na lang po ang tinuturing na "palamunin" dito. Uuwi po ang asawa ko galing trabaho. Yayayain ko syang kumain pero hindi nya ako sinasagot. Parang lahat ng tao di ako nakikita o naririnig.
Madalas iniisip ko gusto ko na lang lumayas pero naaawa ako sa anak ko paglabas nya. Kaya kong tiisin ang gutom pero ang anak ko hindi.
Salamat po kung binasa nyo hanggang dito. Gusto ko lang ilabas talaga.
Anonymous