Wishful Thinking
Kung walang pandemic, ano sana ang ginagawa mo ngayon?


Kung walang pandemic, siguro mas enjoyable ang way of teaching ko kasi face to face, mas makikilala ko ng malalim ang mga pangalawang anak ko sa paaralan ,mas matuturuan ko sila ,mas mag eenjoy ako (kami) ng mga bata kung walang pandemic dahil nasa school sila at andun din ako na guro nila at magsisisilbing pangalawang magulang nila, at mas marami akong batang matuturuan unlike now na restricted ang paglabas labas at pag home visit. Pero kung tititingnan ko sa bright side na duloy ng pandemic mas naging hands on ako sa mga anak ko, mas lumalim yung bonding naming mag asawa, mas nagkaroon ng time sa isa't isa, mas lumalim ang communication sa Panginoon, na enjoy ang mga bagay bagay sa loob ng bahay, nagkaroon ng time para mas lalong mapag aralan ang pagtatanim ng mga halaman ,pagluluto ,pag discover sa iba't ibang bagay kasama ng pamilya ko At higit sa lahat siguro natutunan kung sabihin at mas lalong iparamdam sa mga anak ko sa asawa ko na mahal ko sila araw araw dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa mga susunod na panahon lalo na sa panahong ito ng pandemya
Magbasa pa


