Wishful Thinking

Kung walang pandemic, ano sana ang ginagawa mo ngayon?

Wishful Thinking
74 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung walang pandemic, siguro mas enjoyable ang way of teaching ko kasi face to face, mas makikilala ko ng malalim ang mga pangalawang anak ko sa paaralan ,mas matuturuan ko sila ,mas mag eenjoy ako (kami) ng mga bata kung walang pandemic dahil nasa school sila at andun din ako na guro nila at magsisisilbing pangalawang magulang nila, at mas marami akong batang matuturuan unlike now na restricted ang paglabas labas at pag home visit. Pero kung tititingnan ko sa bright side na duloy ng pandemic mas naging hands on ako sa mga anak ko, mas lumalim yung bonding naming mag asawa, mas nagkaroon ng time sa isa't isa, mas lumalim ang communication sa Panginoon, na enjoy ang mga bagay bagay sa loob ng bahay, nagkaroon ng time para mas lalong mapag aralan ang pagtatanim ng mga halaman ,pagluluto ,pag discover sa iba't ibang bagay kasama ng pamilya ko At higit sa lahat siguro natutunan kung sabihin at mas lalong iparamdam sa mga anak ko sa asawa ko na mahal ko sila araw araw dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa mga susunod na panahon lalo na sa panahong ito ng pandemya

Magbasa pa

kung walang pandemic cguro masaya kame ngaun nkabukod ng bahay. walang iniisip na inlaws na pavictim 🙄. nagrent kc kme ng bahay dahil malayo sa work ni hubby.nung ngstart na pandemic tumira na kme sa binili ni hubby na bahay.unang tumira dun nanay at kapatid nya dahil wala naman ibang matitirhan mga inlaws ko. nung tumira kc kme sa sarili namin bahay kasama byenan ko nagkagulo na. madalas d cla mgkasundo ng asawa ko at ngaun pti ako .gagawa pa ng kwento para pagkaawaan sya ,magagalit pa bkt aq kinakampihan ng asawa ko.malamang kitang kita mg asawa mga pinag gagawa nya at alam namin mga pinagsasabi nya sa mga kapitbahay.

Magbasa pa

nagtuturo po. kinder teacher here and super hirap ng set up ngayon ng schooling. pabor kahit papano since buntis ako, pero sa learning ng bata, super hirap. hindi naman maaassess ng ayos since magulang ang nagtuturo. nakakamiss naman talaga ang magturo at pumasok araw araw sa school. sana lang din kapag bumalik na ang face to face, gaya pa rin sana ng dati.

Magbasa pa
VIP Member

nagwowork siguro. yun kasi plano nun after ko manganak na mag aapply ako kasi nagresigned ako sa dati kong work dahil sa pagbubuntis ko. pero dahil nagpandemic, umuwi kami dito sa province and naisipan namin magtayo na lang ng business

Kung walang pandemic, probably hindi ako ngresign sa pagiging flight attendant. Yung asawa ko ngresign and sa doha kami nakatira ngayon. But God’s will he didnt allowed that to happen. I trust his plans for us. 😇🙏

Working parin sana while taking take care my baby 😔 Nag sara ang company kasi affected ng pandemic. Nakakalabas at pamasyal narin sana si Baby sa beach this time 😔 Binago talaga ng pandemic ang buhau ng tao.

naghahatid ng anak sa school, nakakapamasyal, may sideline job 🤣🤣 ... diko alam kung buntis din ako kung hindi pandemic. sa manila kasi work si hubby nun, weekly lang uwi niya. ako nasa bulacan 😅😅

mag-grogrocery kami nang sama-sama tuwing kinsenas. kasama si baby. at patatakbuhin namin siya sa mall. eto lang talaga nawala sa lifestyle namin kasi homebodies talaga kami at wfh.

nagbabakasyon sana with my husband and baby.. or kahit pumunta lang ng mall, fastfood chain, grocery, or park man lang kasama si hubby at baby.. 😩🥺🤷🏼‍♀️😔

nasa school, nagtuturo. kinder teacher. 😊 nakakamiss ang f2f set up. more bond, maaassess ng maayos ang mga bata. unlike ng online, very limited ang learnings.