#TitoAlexQuotes

Kung sakali at may daddy na makakabasa nito, parang awa n'yo na po, sa ikagaganda ng buhay n'yo at para tuluyang magkaroon ng world peace, kapag ang buntis n'yo pong asawa ay may cravings, pagbigyan n'yo na. Kahit weird pakinggan ang gusto niyang kainin, wag n'yo pong tatawanan. OR ELSE. Kapag may hinihingi siyang pagkain (kahit madaling araw pa yan), wag ka nang pumalag. Pwera na lang siyempre kung bawal sa buntis. Otherwise, plan ahead. Tanungin siya nang paulit-ulit tungkol sa mga pagkain na gusto niya para makapag-handa/imbak kayo sa bahay. Malalampasan din natin ito. Mommies, inaway n'yo na ba ang partners n'yo dahil lang sa midnight craving?

#TitoAlexQuotes
12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Naalala ko nung naglilihi ako, alas 9 ng gabi nagpahanap ako sa asawa ko ng leche flan. Galit na galit sya saken, san daw sya bibili ng ganung oras. Pero syempre lumabas pa rin sya para maghanap. Though hindi sya nakahanap ng leche flan, may nabili naman sya na custard cake so pwede na din. Kinabukasan pag uwi nya galing trabaho, may dala na sya leche flan. Baka daw kase magpahanap na naman ako kung kelan gabi na. ๐Ÿ˜‚๐Ÿคฃ

Magbasa pa