#TitoAlexQuotes

Kung sakali at may daddy na makakabasa nito, parang awa n'yo na po, sa ikagaganda ng buhay n'yo at para tuluyang magkaroon ng world peace, kapag ang buntis n'yo pong asawa ay may cravings, pagbigyan n'yo na. Kahit weird pakinggan ang gusto niyang kainin, wag n'yo pong tatawanan. OR ELSE. Kapag may hinihingi siyang pagkain (kahit madaling araw pa yan), wag ka nang pumalag. Pwera na lang siyempre kung bawal sa buntis. Otherwise, plan ahead. Tanungin siya nang paulit-ulit tungkol sa mga pagkain na gusto niya para makapag-handa/imbak kayo sa bahay. Malalampasan din natin ito. Mommies, inaway n'yo na ba ang partners n'yo dahil lang sa midnight craving?

#TitoAlexQuotes
12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Naalala ko nung naglilihi ako, alas 9 ng gabi nagpahanap ako sa asawa ko ng leche flan. Galit na galit sya saken, san daw sya bibili ng ganung oras. Pero syempre lumabas pa rin sya para maghanap. Though hindi sya nakahanap ng leche flan, may nabili naman sya na custard cake so pwede na din. Kinabukasan pag uwi nya galing trabaho, may dala na sya leche flan. Baka daw kase magpahanap na naman ako kung kelan gabi na. 😂🤣

Magbasa pa
VIP Member

😂😂😂 naalala ko ung time na ng craved ako sa Chocolate cale gabing gabi na wala na mabibilhan as in umiyak ako hahaha pero grabe si hubby di ko alam saan sya nakabili ng chocolate cake kahit hating gabi masama pa nun konti lang kinain ko ayaw ko na hahaha ni hug and kiss nalang si hubby dahil na appreciate ko ung effort and ung love nya samin ni baby❤️

Magbasa pa
VIP Member

HAHAHAHA madaling araw gusto ko ng ice cream! Ayon si husband lumabas para bumili ng ice cream 😂😂😂 Dati pa yon, nong wala pang pandemic 😂

VIP Member

Hindi e. Mas masungit pa yata yun sakin. Parang siya nga ang buntis e. Pero syempre, binibili lahat ng nasa checklist ko.

VIP Member

totoo tapos pag di napagbigyan,.mag eemote 😂

hahaha.. true po Yan Tito Alex ☺️

VIP Member

kundi iiyak si mister hahaha

VIP Member

HAHAHAHAHA TRUE!!!

Hahah,.

VIP Member

true..