Kung Php50 lang ang budget mo na pang ulam, anong lulutuin mo? Bawal ang de lata ha. :)
Sizzling Tofu Tofu-php15. 00 bili ka na ung luto na tas i slice mo lang sya into cubes para less trabaho Oyster sauce ung nakasachet php6. 00 Mayonnaise nakasachet php10. 00 Siling haba (green yung pangsigang) saka sibuyas calamansi php8.00 pamintang durog php1. 00 Mantika php5. 00 Paghaluin ung oyster sauce at mayonnaise sa isang lalagyan (haluing mabuti) iset aside mo muna, maglagay ng mantika sa kawali Igisa mo lang muna ung sibuyas isunod ang tokwa Ilagay ang sili tas ibuhos ung ginawang sauce (oyster and mayo) lagyan ng paminta Total php45. 00 may sukli kapang php5.00
Magbasa paGinisang monggo 😊 Ingredients: Monggo 20 Bawang (Garlic) 5 Sibuyas (Onion) 5 Kamatis (Tomato) 3 Cooking Oil (Mantika Tingi) 5 Knorr Cube 5 Malunggay 5 TOTAL 48 Php
Magbasa pamadami po 😊 - ginisang talong/sitaw/kangkong worth P20, with P20 pork giniling, sibuyas, bawang sobra pa yun remaining P10 - P20 pork giniling and P10 miswa, sibuyas and bawang - ginisang ampalaya with egg - P30 na alamang, P20 itlog, torta na - prito talong or steam, then bagoong at madaming madami pa po, need mo lang maging madiskarte 😊
Magbasa paMarami po sis, salted egg with kamatus, tortang talong, adobong kangkong, ginisang ampalaya with egg, tortang giniling, ginisang mungo with chicharon instead na fresh pork, etc. Nakakabili naman po sa palengke ng tingi tinging gulay.
malunggay na may itlog at flour parang torta ung labas nya healthy na masarap pa. MALUNGGAY 4pcs na itlog dpende kung ilan ung gusto mo tapos flour 10pesos pti lagyan mo ng bawang paminta at namnam un ulam na.
Magbasa paTalbos ng kamote and okra. Ilalaga siya then sawsaw mo bagoong na may kamatis at sibuyas pwede din lagyan ng konting sili para mas masarap yung sawsawan ;)
Steamed okra, favorite ko. Iniibababaw lang nmin sa sinaing. Tas sawsawan suka na may bawang at kunting asin. Halos araw araw okra. Ayun, Ganda ng kutis ni baby. 😍
Challenging huh. Siguro miswa para may sabaw and may meat strips pra busog naman. Meron dito samin per gram na bagnet, pwede as low as 20 pesos pwde na pang ulam.
Ampalaya with egg, misua at patola with egg, ginisang talong.adobong sitaw. .may mararating parin ang 50pesos basta may diskarti lang sa pagluluto 😅😅
Kaya kong gumawa ng adobong manok na 1/4 kilo. Syempre stock ko na sa bahay yung mantikang gagamitin ko hehe.