#SharingIsCaring
Kung niluwa ni baby ang gatas pagkatapos dumede, minsan ba ay iniisip mo na ok lang ba na ulit siyang padedehin? Sa karaniwang pagkakataon, ang sagot dito ay "yes" pwede po. Ang pagluwa at pagdura ng baby ay dalawang bagay na magkaiba at maaaring may pagkakaiba ang sanhi nito. Ang pagdura ay pangkaraniwan sa baby na nasa ilang buwan pa lamang bago ang 1 year. Madalas niyang gawin ito na may kasamang pagdighay. Nasa kalahati ng bilang ng mga baby na 3 buwan pababa ay nakararanas ng isang uri ng acid reflux na tinatawag na "infant reflux" na kadalasang sanhi ng pagdura ng baby. Madalas itong mangyari kung busog na si baby kaya huwag rin hayaang masobrahan ng padede dito. Sa isang banda naman, ang pagsuka ni baby, na kadalasang mas may pwersang pagluwa ng gatas o solid foods kung mas may edad na siya, ay sanhi ng maraming posibleng dahilan tulad ng: - irritation from a viral or bacterial infection - lagnat - pananakit ng katawan galing sa - lagnat, tenga, at vaccination - may paninikip o bara sa tiyan at intestine - kemikal na humalo sa dugo gaya ng gamot - allergen tulad ng pollen - pagkahilo sa sasakyan - pagkahilo dahil sa sobrang pagkaliglig - pagkabalisa o stressed - paglanghap sa masyadong matapang na amoy - milk intolerance Dahil sa sobrang pagsuka, maaaring madehydrate si baby na maaaring magdulot ng pagbaba ng timbang na pwede maging delikado sa kanya. Maaaring ibalik sa pagdede si baby pagkatapos magsuka. Pakiramdaman kung nagugutom parin si baby kahit matapos sumuka at muli siyang ibalik sa pagdede para mapalitan ang iniluwa niya. Kung sa tingin mo naman ay may masama nang nararamdaman si baby, malakas na umiiyak at may abnormal na reaksyon, maaaring huwag muna siyang ibalik sa pagdede at agarang pumunta sa duktor para malamang kung siya ay may problema at alamin ang mas mabuting gawin para dito. Source Healthline parenthood