βœ•

45 Replies

pag pray mo muna, una sa lahat... at magpakumbaba ka sa mga magulang mo... ako non 23, bago palang sa trabaho, hindi pinanagutan, nung time na sinabi kong buntis ako 3 months tyan ko non, 2 sister ko born again Christian, Lord narin nagdala saken sa church, na enlightened ako, sinuko ko lahat... pinag pray kong mabuti, tapos non lakas loob akong humarap kay mama at papa, dalawa kong kapatid nasa labas ng bahay nakanta ng worship song... ako inabot ko sakanila yung sobre ng result sa ultrasound, ano daw yon, binuksan nila, tahimik lang sila, pero si papa umiba boses, parang nagpipigil ng luha, tinanong ako ano to, sumagot si mama, apo mo... tinanong ako, anong plano mo, sabi ko bubuhayin ko, sabi saken bat ikaw? natahimik nalang ako at napayakap sa papa ko...ramdam ko yung lungkot nila... hirap talaga kasi minsan na pigilan ang sarili, nabubuhay tayo sa laman ehhh, maraming temptation sa paligid... para sayo bii, kapag sinabi mo na, hayaan mo lang muna sila magsalita, pakinggan lang kung ano masasabi nila sayo, natural yung may galit syempre kasi nga nag aaral pa, nakakapanghinayang naman talaga yon, kumbaga sa magulang sa isip nila, ano pa bang pagkukulang nila bakit mo yun nagawa, yung pagod nila sa trabaho magkaron lang ng pang tuition at pang baon...at kung kaya mong pumasok pa kahit buntis ka, at hindi maselan pagbubuntis mo ituloy mo, sabihin mo nalang din sa prof mo sitwasyon mo, para makapag aral kapa rin ng hindi ka nahihirapan masyado... God bless you and your baby... ingat ka palagi...

VIP Member

Share ko lang yung sa kapatid ko na lalaki nung nabuntis niya yung gf niya sa una nilang baby. mga nasa 17-18 ata sia nun. SHS. kinausap niya si mama face to face, "Mah, may sasabihin ako wag ka mabibigla, ha" "Ano yun?" sagot ni mama na kinakabahan. "Mah, may apo ka na." Yan yung exact word ng kapatid ko na kinwento ni mama sakin. Di pinagalitan ni mama at nanahimik na lang. pero sakin niya binuhos yung disappointment nia kasi ang babata pa nila at madami ring pangarap si mama para sa kanya. Nadismaya rin ako kasi bilang ate gusto ko rin na mkatapos sia sa pag aaral, kaya nga pagkagraduate ko naghanap agad ako ng work para ma suportahan kung anong kurso mn kunin nia. Tinanggap na lang din ni mama kasi wala naman na magagawa. Pinatapos na lng sia sa SHS nia at desidido naman na maghanap ng trabaho yung kapatid ko para sa mag ina nia. Sadly nakunan din yung gf nia. Ngayon meron na silang 17months rainbow baby. Sakin naman 26 ako nung sinabi ko ky mama na buntis ako at ginaya ko lng din yung line ng kapatid ko sa pagsabi πŸ˜† Sasabihin rin namin sana ky papa pro mas nauna nia pa nalaman kasi nahulog yung resibo ng serum test namin ni hubby nung hinatid nia ko samin at si papa pa yung nakapulot. All in all wala ka na rin naman magagawa kasi anjan na rin yan. Face the consequences na lang at disappointment ng parents mo kesa itago mo at sa iba pa malaman at yung galit nila huhupa din yan. Mas mainam na rin na alam nila para my katuwang ka sa pagbubuntis mo at iwas stress na din. Goodluck 😊

VIP Member

Mga mie thank you sa mga advice nio, nasabi ko na isa isa sa mga ate ko pati kay mama. syempre una nagulat sila, tinanong na agad kung taga saan ung bf ko, kung May work ba sya, kung ano daw plano naming dalawa, pero after nun tuwang tuwa mga ate ko KC first time nila magka pamangkin ng lalake, wla pang anak mga ate ko KC may problema, May pcos ganun, or need operahan, kaya ung isa kong ate nag aalaga ng aso niang pomeranian-spitz, tinuring nia na parang anak, ngayon gusto Nia ampunin ung baby ko, si mama naman, di sya nagalit sakin, sabi Nia napansin daw nia na buntis ako pero inaantay LNG daw Nia na ako mismo magsabi sakin, pinayuhan Nia ako mga bawal kung gawin at kainin, kung di ko daw kaya tapusin ung first sem namin sa college, pede daw ako mag drop basta alagaan ko raw baby ko.. kinausap ko na sila laht para makapag plano ako, para mabawasan mga iniisip ko, mahirap din pag May tinatago, pero proud na proud ako kay baby. kay daddy, hindi ko pa po nasasabi, di na KC kami close. pero for sure matutuwa un KC LHT kaming magkakapatid puro babae ..wala man LNG kaming kapatid na lalake.., anyway, kasama ko bf ko dati sa Batangas sabay kami nag wowork, kaso napagod ako mag work kaya umuwi ako dito sa Baguio tas sakto pina enroll na ako sa college. ngayon mag paplano pa LNG kami kung ano magiging decision namin after ko manganak.. thank you mga mie

I remember so well nung time na nakabuntis ang kuya ko, he was 21 yrs old. Yes, graduate na but nag sstart palang sya ng career nya at wala pang napapatunayan kung tutuusin. Yes, at 21yrs old masasabi na bata parin sya. He even admitted na unwanted pregnancy un which is very sad to hear..for me kc all pregnancy is a blessing from above. So here it is, nagulat nlng kming lahat sa bahay dahil bigla nlng pumunta ung gf ni kuya together with her sister while my brother was at work. Sinabi nila sa parents ko kc ndi daw kayang sbhin ni kuya sa amin. To my surprise, MY FATHER WAS VERY HAPPY AND SMILING ALL THE TIME. Little did I know that ilang beses na pala nag open up ang tatay ko sa nanay ko na gusto daw nya ng baby. Which is of course ndi na mabibigay ng nanay ko dahil matanda na cla. Very open lng c tatay na gusto nya na may baby kami sa bahay kc masaya daw. So that's it! Magkakaiba lang cguro tyo kung paano tatanggapin ng parents at kung paano ieexplain sa kanila na magkaka apo na cla. In our case, the baby saved our family from being broken kc bka mambabae pa c tatay dahil sa sobrang pananabik sa baby. Be strong momsh and face the consequences. God bless your family! May we all have a happy and healthy pregnancy journey! β€οΈπŸ™πŸ»

20 nung una ako nabuntis pero tpos na ko mgaral nun 2yrs lang kase course ko at kasalukuyang ngtatrabaho na , nung una natatakot ako sabihin sa magulang ko pero hindi ko kayang mglihim sakanila kaya una ko sinabi sa nanay ko na kakauwi lang galing manila tulo agad luha ko pero ang sinabi lang sakin ng nanay ko ay sabihin ko daw sa tatay ko broken family kase kame nun ..tpos nung tinawagan ko tatay ko hindi pa ko nkakapagsalita tumulo na luha ko umiyak na ko ng sobra sabi ng tatay ko bakit kung magaasawa nb daw ako at sinabi ko ang totoo na buntis ako pero hindi niya ko pinagalitan sa halip pinatahan niya ko wag na daw ako umiyak at baka mapano pa ang baby sa tyan ko buti daw at ngsabi ako ng totoo skniya yung ako mismo ang nagsabi at hindi sa ibang tao niya nalaman ..para kong nabunutan ng tinik nun kase akala cu mapapagalitan ako pero hindi sobrang thankful ako na mabait parents ko at naintindihan nila ko ..sabihin mo na agad sa parents mo mahirap ng wlang katuwang sa pagpapalaki tanggapin mo nlng lahat ng sasabihin nila ..

VIP Member

15, pero dahil victim ako ng gang rape noon. tinulungan ako ng parents ko dahil traumatized ako noon, habang may sakit daddy ko. Di narin ako nakapag finish ng school dahil sa trauma. Then years past, 20 yrs old ako sa 2nd baby ko while working. dipa dapat namen ssabihin ng live in partner ko sa mama ko, accidentally nakita yung post ng kapatid niya sa sobrang excite. Napa sugod sila mama ko sa bahay nila hubby and biglaang nagusap yung both sides ng fam namen. Now.. 6 months preggy ako sa 3rd ko. 7 yrs old na yung panganay and 2yrs old yung 2nd ko. Mahirap pero kakayanin. You just have to face it lang talaga. Sa scenario mo, natural lang na magagalit parents mo sa umpisa. Part yun ng disappointment. Pero syempre sila rin ifface nila yung reality. Kase nangyare na at di na nila mababawi. All they have to do nalang is accept. Marami narin nakaranas ng ganyan. Di talaga mawawala yung galit sa umpisa. Dapat sabihin mona agad bago ka manganak, habang tumatagal palala ng palala yung guilt.

TapFluencer

Nung nabuntis ako 28 na ko nun, pero umiyak at natakot ako sa parents ko kasi strict sila at makaluma na gusto kasal muna dapat bago sana nabuntis, imagine 28 na ko nun at maayos ang sweldo namin mag.bf may magandang work, Iba iba kasi ang parents talaga pero sa tulong ng bf ko nun (na asawa ko na ngayon) kasi humarap talaga sya at pinanindigan ako, umokay at sumaya rin parents ko.. I suggest na isama mo rin yung tatay ni baby.. sabay nyo harapin famiky mo. Magagalit at magagalit sila for sure yun. Pero walang magulang namatitiis ang mga anak nila.. lilipas din ang galit na yan at eventually pag nakita na nila yung apo nila, naku,, mas parang mas mahal pa nila yung apo kesa sa anak. Ipakita nyo ng bf mo na kakayanin nyo at kung sakali man ipagpapatuloy nyo pa rin ang pagaaral nyo. Kaya mo yan girl for baby and support ng family. Mahalaga na may suporta galing s apamilya mo esp your parents lalo at bata ka pa nagbuntis.. πŸ™πŸ™πŸ™

Maraming masasakit na salita ang matatanggap mo na my kasama nmn minsan na pangaral , pero depende kc mnsan s emosyon ng tao . pede ka pa nilang palayasin s sobrang inis or galit nila sau mommy , pero pag nawala na lht ng galit na un magging ok din ang lahat . bsta iready mo n lng sarili mo s mga ssabihin nila sau . magagalit tlga sila sau kc mahal ka nila, malaki ung pangarap nila sau kaya ka nga nila pinagaaral ee , basta tanggapin mo lng din ung mga sermon nila sau. ung pinsan ko dati mama at papa ko na nagpalaki at paaral dun , kc maaga silang naulila s nanay ung tatay nmn nila my ibng pamilya n din . nung snbi nya na buntis sya nagaaral sya ng college pinalayas sya ng mama ko s sobrang sama ng loob sknya . pero makalipas lng ng isng buwan yata un , sinuportahn nya p dn , tpos ung anak inalagaan pa ng mama ko . Habang maaga pa sabihin mo na sakanila , pra maguide ka din nila sa pagbubuntis at panganganak mo .

Depende kung gaano ka strict ang parents mo. Pero kung ako sayo habang maaga pa sabihin mo na sa kanila mas mahirap pag sobrang laki na ng tyan mo at manganganak na saka pa nila malalaman or baka malaman pa nila sa iba na dapat kaw muna mag sabi ganon din naman yon e yan ang lihim na hindi mo maitatago habang buhay.. Face the consequences. alam mo may pagkakamali ka sa part na yan pero di mali si baby.. Mamahalin nila yan kasi apo nila yan.. Ipangako mo na mag aaral ka ng mabuti kahit may anak ka at humingi ng tawad sakanila. Anyway sana humarap din si partner mo sa parents mo as respeto na din niya sa family mo. 26yo na ko nagbuntis sa panganay ko at nauna kasal kasi pareho kami ni hubby na gusto muna may basbas ng simbahan ang pagsasama namin bago kami bumuo ng pamilya. At unica lang ako alam namin pareho gaano kahigpit magulang ko. Kaya 5years muna kami mag jowa bago nag isip pakasal..

33 yrs old na ako ngayong nabuntis. inuna ko kc ang pag aaral and pag establish ng career ko. nahirapan lang akong makahanap ng matinong lalaki na may career din pero dahil sa panalangin ay dumating sya unexpectedly. were both at the same age at matured na maituturing ang aming mga isip. hindi naman kami nahirapan sabihin sa aming magulang kc they are expecting naman na na mabuntis ako after the wedding. nakakapressure lang na mabuntis kc were both 33yrs old na baka lang hindi na kami makabuo pero dahil parin sa panalangin ay 4months biniyayaan na kami ❀ Ginive up ko muna yung profession ko to concentrate on my pregnancy baka kc first and last na ito, buti nalang may hubby din akong maaasahan when it comes to financially and everything. yun lang kwento ko mamshie

Trending na Tanong

Related Articles