46 Replies
bumili ako ng tiny tummies at St. Patrick brand kasi deserve din ng baby ko ng bago 🥰 pero yung iba niyang barubaruan galing pa sa panganay namin.. namimigay ako ng damit ng mga anak ko except sa barubaruan😅 kasi tulad niyan mag aanak pa naman ulit atleast hindi na bibili ng madami.. anyway ok din naman mga preloved online managed your expectations lang talaga at labhan maigi
May baru baruan po na mas mura no need ng branded. Ako mas bumili pa nga ako ng malakihan na tatlo lang na may design na baru baruan binili ko. Puro onesie,frogsuit,pajama,longsleeve shirt,romper at hoodie. Advance na mga suotan nya kasi mabilis lumaki ang baby or tumaba ang 0 to 3 minsan di na kasya sa 1month old e. Mas kasya na nila yung 6 months na damit
ako po di po ako bumili, mabilis lang po kase lumaki ang baby kaya baka ilang buwan lang or weeks lang dina kasya saka isa pa yung first born ko po kasi ay sadyang malaki nung nilabas ko kaya after manganak puro shirts and sando na po ang nasusuot nya, meron pong nag bigay ng barubaruan saamin di din nasuot kasi dahil sa size ni baby 😂
Bought brandnew sa baby namin, but hindi branded ang binili since hindi sya praktikal dahil mabilis lang malakihan ni baby. We also opt to buy the 3-6 mos. sizes kesa sa 0-3 mos. Same sentiments with other mommies na if pre-loved kasi di natin sure if yung last na gumamit is may skin disease, lalo na very sensitive ang newborns 💗🤗
akin po lahat brandnew. ayaw ko po kasi ng ukay para kay baby. ilan lang yung bigay kasi wala din nmn mahingian dahil gagamitin din. kahit na madali po lakihan ni baby bumili pa rin ako ng atleast 6 pairs tapos may mga pang alis pa. Sensitive din po kasi skin ko and yung papa nya so prevention from skin problems nmn po yung akin.
Sa baru-baruan momsh sa Lazada lang ako bumili. Bale isang 24pcs set at isang 32pcs set. May mga bonet, mittens, socks, lampin at bib na yon na included. Bale worth 530 lang ata total. Bumawi na lang ako sa mga onesies niya at frogsuits na bigger sizes, dun ako gumastos 🤭 at least di agad maiiwan unlike baru-baruan for newborn
anything that is afforadble kasi mapahliliitan lang po ni Baby. they dont actually need branded cloth especially for thier first few month more one baru baruan na paulit ulit lang maglalaba mmore or less 6pcs by pairs whether is long or short sleeve, short and pajama or frogsuits. nasa environment rin po ng bahay niyo.
Ako mii galing sa kamag anak ng tatay ni baby gagamitin namin, tapos bibilin namin yung kulang sa shopee (may mga nakabundle na don mii, mura lang), tapos yung magagamit hanggang ilang mons like lampin, bibilin ko ng dozens, ganon. 3 mons up na damit ang mas gusto ko iproduce kasi mabilis sila lumaki. 🥹
Sakin plan ko bibili ako ng bundle sa shoppee ung 500-600pesos 25pcs na 0-3months. Plan ko dn bumili ng st. Patrick pero ilang piraso lng like ung sleepsuit nla and ung bundle nla. Then ung 3-6months and up mag pre loved na ako. Make sure lng na labhan ng maigi. 😄
I already bought some from Lazada. P17 lang ang isa- pajama, shorts, sando, t-shirt. Manipis pero ok lang since mainit nman ang panahon sa Philippines. 😅 Onesie din sa Lazada ako kukuha, cguro pag malapit ng mag-8 months tyan ko. 😊 #6monthspregnant