Kung bibigyan kayo ng pagkakataon anu gusto ninyo sabihin sa mother in law ninyo?

Salamat sa pagdadala mo sa sinapupunan ng anak mo na asawa ko na ngayon. Yun lang ipagpapasalamat ko sayo. Dahil never mong pinaramdam na anak mo siya. Diba muntik mo ng patayin? Ni walang araw na walang sugat galit sa pangungurot mo diba? Ikaw noon nakasoftdrinks samantalang mga anak mo noodles lang pagkain. At tge age of 13, imbes pag aaral ang inaatupag ng asawa ko na ANAK MO, nagtatrabaho para mapakain ang sarili. Akalain mo yun natiis mo? natiis mong magbahay-bahay yang anak mo para manghingi ng makakain at para magkaroon ng laman ang sikmura? Diba nga wala kang pakealam sa kanila? Lalo na sa panganay mong anak na ASAWA KO? Ngayong maganda-ganda na buhay niya, panay ka kamusta at hingi ng pera na akala mo di dugo't pawis ang puhunan? Habang ikaw nagpapakasaya ka sa kandungan ng lalake mo? Na hanggang ngayon dinadala ng asawa ko lahat ng ginawa mo sa kanya. Di mo alam yung trauma na meron siya. Nasasaktan ako para sa ASAWA KO. Katiting na respeto lang meron ako sayo. Mas tumatayo pang nanay ang mama ko sa ANAK MO kesa sayo. Sorry NOT sorry.
Magbasa pa