Knina pong 3am nilabasan na ako ng tubig sa pwerta. Nagpunta agad kami ng birthing clinic. (public) 4am pag ie sa akin, okay daw, maglakad lakad daw. So, from 4-6am naglalakad kami n mister. Kada lakad ko, may lumalabas na tubig sa akin. 6am, ie ulit, closed cervix pa daw kaya pinauwi na kami.
Tinawagan ko ang isang midwife ng private hospital para tanungin kung anong dapat gawin, sabi nya, magpahinga lang, at wag maglakad lakad. Nung nakauwi na kami, once na lang ako nilabasan ng tubig na may kasama ng dugo pero wala pa din paghihilab. From 10am until now, wala ng tubig naga labas.
Pano ba malalaman kung water bag na ng baby yun? Tama ba sa term? Dapat ba akong mag alala? Sabi kc ng isang midwife sa center, wala daw ipag-alala. Nag pa ie ulit ako sa kanya, intact pa daw ang water bag ko. Ano ba yun water na lumalabas sa pwerta? Mejo madami dami din kc yun nawala. Pero panay naman ako inom ng tubig..
Salamat po pasensya na mejo mahaba
Fealyn Salenga Duran